YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 37 OF 40

Araw 37: Ang Kagalakan ni Jesus

Ni Jon Hietbrink (Si Jon ay nagsisilbing Vice President ng InterVarsity/USA, co-founder ng EveryCampus coalition, at co-author ng Reviving Mission: Awakening to the Everyday Movement of God.)

Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng kagalakan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at matatalino ang mga bagay na ito, ngunit inihayag mo sa mga walang muwang. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mong mangyari. “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wala namang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong minarapat ng Anak na makakilala sa Ama.”Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi nang walang ibang nakakarinig, “Pinagpala kayo sapagkat nakita ninyo ang mga nakikita ninyo ngayon.

—Lucas 10:21-23

Kahit na maganda ang mamuhay ng may malasakit, ang pinakamagandang bahagi ng pagsunod kay Jesus ay hindi ang maranasan ang buhay ng layunin—ito ay ang makatagpo ang isang tao.

Bagamat nagsimula ang kuwento sa isang malawak na pananaw—ang pagbabalik ng 72 alagad kay Jesus, na napapalibutan ng mga taong naapektuhan ng kanilang ministeryo—ang focus ay unti-unting lumiit ng dalawang beses. Una, ang focus ay naging kay Jesus na "puno ng kagalakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu" sa gitna ng mga tao—isang kakaibang paglalarawan na wala sa ibang bahagi ng Ebanghelyo. Pangalawa, ang focus ay muli nilang nakita nang sinabi ni Lucas, "Lumingon siya sa mga alagad at sinabi nang pribado, 'Mapalad ang mga mata na nakakakita ng inyong nakikita.'"

Walang duda, ang mga alagad ay nakakita at nakarinig ng marami sa sandaling iyon. Habang sila ay tumingin sa paligid, nakita nila ang mga taong gumaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, nabago ng katotohanan ng Diyos na kanilang ipinahayag, at nailigtas mula sa dilim sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos sa kanilang mga salita. Ngunit, ang talata ay nagpapahiwatig na ang lumalagong kilusan sa paligid nila ay mas sekundaryo kaysa pangunahing bagay—mas pang-background kaysa sa foreground.

Sa pinakamadaling kahulugan, ang kanilang nakita at narinig nang magsalita si Jesus ay hindi ang paglago ng tagumpay ng masa o ang magkakaugnay na pagmamahal ng kanilang komunidad. Ang kanilang tiningnan nang sinabi ni Jesus, "Mapalad ang mga mata na nakakakita ng inyong nakikita," ay ang masayang mukha ni Jesus—ang imahe ng hindi nakikitang Diyos na ngumiti pabalik sa kanila.

Tunay nga, ang pagtingin sa mukha ni Jesus ang wakas ng ating kuwento: "Makikita sa lungsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod.Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa kanilang noo ang kanyang pangalan." (Pahayag 22:3-4).

PUNTO NG PANALANGIN:

Ipanalangin na ipakita sa iyo ni Jesus ang Kanyang kagalakan—na masaksihan mo ang Kanyang masayang ngiti.

Ipanalangin na ang mga tao ng Diyos ay mamuhay ng buhay na puspos ng kagalakan ni Jesus.

Ipanalangin na ang kagalakan ni Jesus ay magbibigay lakas sa atin—bilang mga araw-araw na misyonaryo—upang maisabuhay ang Kaharian saan man tayo magpunta!

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More