Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 34: Manalangin ng mga Dakilang Bagay
Ni Steve Hawthorne (Si Steve ay nagtatrabaho sa WayMakers, isang misyon at mobilisasyon ng panalangin.)
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.
—Mga Gawa 4:31
Nasanay na tayo sa mga pagtitipon ng panalangin kung saan ipinagdarasal natin ang mga pangangailangan o mga problemang maaaring hinaharap ng ilan sa atin. Walang masama rito; ang Diyos ay nagmamalasakit sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Ngunit ang Diyos ay gumagawa ng ibang bagay na mas dakila kaysa sa pagtulong sa atin sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa maraming henerasyon, ipinangako ng Diyos at ipinakita ang Kanyang mga layunin sa bawat tao at lugar. Ako'y kumbinsido na ang Diyos ay malapit nang gawin ang ilan sa mga pinaka-kamangha-mangha, pinakamalaki, at pinakamagandang bagay na Kanyang ginawa.
Tiyak, ang Diyos ay kayang gumawa ng anumang bagay kahit walang sinuman na nananalangin, ngunit Siya ay natutuwa na kumilos alinsunod sa mga panalangin ng Kanyang mga tao. Bakit? Sa tingin ko, ang pakikinig at pagtugon sa mga panalangin ng Kanyang mga tao ay ang paborito Niyang paraan ng pagpapakilala, pagpupuri, at pagmamahal. Madali tayong magdiwang kapag nakikita natin ang Diyos na kumikilos alinsunod sa ating mga panalangin.
Marami tayong matutuhan mula sa mga prayer movement bago ang Pentecost, na kadalasang tinatawag na “upper room” (Mga Gawa 1:4). Mali ang ating pagkaunawa sa pagtitipon ng panalangin sa upper room kung akala natin na ang kanilang ipinagdasal ay para lamang sa pagbuhos ng Espiritu. Isa ito sa mga inaasahan nila, ngunit nakita nila ang pagbibigay ng Espiritu bilang isang kamangha-manghang bahagi ng isang mas dakilang katuparan ng lahat ng gagawin ng Diyos sa lahat ng tao at lugar.
Makikita natin silang nagpatuloy sa mga organisado at sinadyang pamamaraan. Sila ay nagtipon sa templo sa mga takdang oras. Nagtipon din sila sa mga bahay nang regular at may disiplina (Lucas 24:33, Mga Gawa 2:46). Ang kilusang panalangin sa upper room ay hindi isang spasmodic series ng mga panalangin sa oras ng krisis. Ngunit kapag may krisis, nagtipon muli sila, nanalangin, tulad ng ginawa nila bago ang Pentecost, “ng may isang kalooban” (Mga Gawa 4:24-31, NASB).
Sa oras ng panalangin, makikita natin ang paraan ng upper room na ipinapakita: Nananalangin sila gamit ang mga Kasulatan, na nagpupuri sa Diyos tulad ng inilarawan sa Awit 146:6 (Mga Gawa 4:24), at saka inilatag ang kanilang apela batay sa ipinakita ng Awit 2:1-2 tungkol sa layunin ng Diyos sa lahat ng tao (4:25-28). Halos ang kanilang hiling ay na patuloy na gawin ng Diyos ang malalaking bagay na Kanyang ipinangako noon pang nakaraan.
Ang Pagnanais na Nagpanatili sa Kanilang Panalangin
Ang kuwento ay naglalarawan ng kanilang panalangin bilang “may isang isip,” o tulad ng ibang pagsasalin na “ng may isang kalooban.” Ang salitang Greek sa likod ng pagpapahayag na ito ay isang kamangha-manghang salita: homothumadon. Ipinapakita nito ang pagiging pareho ng (homo-) pagkasabik (-thumadon, na may kinalaman sa sigasig, nais, at pagkahilig). Ang Ingles na salitang “enthusiasm” ay mula sa parehong grupong salita ng homothumadon.
Sa kalungkutan, ang ilang mga pagsasalin ay gumamit ng mahihinang pagsasalin para sa homothumadon, at inilalagay lamang ang salitang Ingles na “together.” Ang pagsasaling ito ay hindi ipinapakita na sila ay nanalangin ng may malaking pagkakabigkis, ibinahaging sigasig, at nagkakaisang isipan. Hindi lang sila nanalangin na magkasama. Sila ay nagsusumikap para sa mga pangako ng Diyos, kumpiyansa na anuman ang ipinangako ng Diyos, tiyak Niyang gagawin, at gagawin ito agad. Ang buong kuwento ay tungkol sa pandaigdigang kaluwalhatian na darating sa Hari ng Kaharian, “ang Kristo” mismo.
Hindi ito isang kuwento ng tagumpay na may karaniwang masayang pagtatapos. Kasama sa kuwento ang matinding pagdurusa para sa Mesiyas at mga sumunod sa Kanya. Ngunit ang kuwento ay magtatapos sa Hari ng lahat ng bansa na magiging kilala sa lahat ng mga tao (Lucas 24:46-47). Nang ipaliwanag ng muling nabuhay na si Jesus ang kamangha-manghang kuwento ng Kanyang pandaigdigang Kaharian mula sa mga Kasulatan, “binuksan Niya ang kanilang isipan upang maunawaan ang mga Kasulatan” (24:45). Hindi nakapagtataka na napagtanto nilang “ang kanilang mga puso ay nagaapoy” ng sigasig, kumpiyansa, at pag-asa (24:32).
PUNTO NG PANALANGIN:
Hayaan mong buksan ng muling nabuhay na si Jesus ang iyong mga mata, pati na rin ang marami pang iba, upang maunawaan at ipanalangin ang mga Kasulatan.
Manalangin na Kanyang matagpuan ang ating mga puso na may pagnanasa na manalangin ng malalaking bagay na may pagkasabik at pag-asa.
Manalangin na ang mga tao ng Diyos ay magkaroon ng iisang sigasig, ibinahaging passion, at nagkakaisang isipan tungkol sa Kaharian.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

How Christians Grieve Well

A Prayer for My Husband: Part 1

Serve: To Wield Power With Integrity

Daniel: Remembering Who's King in the Chaos

Rich Dad, Poor Son

Gems of Motherhood~ Letters to a Mama: 20ish Things I Wish I Knew Before Becoming a Mom

Meaningful Relationships, Meaningful Life

(Re)made in His Image

Heart of Worship
