Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

ARAW 28 NG 58

DAAN PAPUNTA SA AMA

Kay Cristo, maaari tayong lumapit sa Diyos at magkaroon ng ugnayan sa Kanya.

BASAHIN: Efeso 2:18
BASAHIN: Roma 5:1-2 at Efeso 3:8-12

Hindi tayo inilalayo ng Diyos sa Kanya. Kasing lapit Siya sa atin ng Kanyang Espiritu na nananahan sa atin. Ang Diyos Ama ay gumawa ng paraan kung saan wala ibang paraan. Binuksan Niya ang pinto at handang sumalubong nang bukas ang mga kamay. Lumalapit ka ba sa presensya ng Panginoon? Ano ang ilan sa mga bagay ang maaaring humadlang sa paglalaan mo ng oras sa Kanya?

MALING PANANAW: Hindi ko pwedeng ibahagi ang mga suliranin ko sa Diyos. Malayo Siya at walang malasakit.

TAMANG PANANAW: Malapit ang Diyos, at maaari akong lumapit sa Kanya! Nananahan ang Espiritu Niya sa akin, at maaari akong lumapit sa Kanya para sa lahat ng pangangailangan ko.

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang planong ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagkakaloob ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.thistlebendministries.org