Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

ARAW 1 NG 58

PANIMULA



Ang Efeso 1 at 2 ay may kakayanan baguhin nang lubusan ang ating pagkakaunawa sa kung sino tayo kay Cristo. Bakit? Sapagkat ito ang banghelyo! Gugulin ang sumusunod na 31 araw sa paglinang ng isang pag-uugali kung saan tayo'y kukuha ng mga katotohanan mula sa mga kabanatang ito at isapuso ang mga ito upang tayo'y maging kung ano ang pagkakatawag sa atin—ang gawing buhay ang Ebanghelyo! Hinahamon kitang bawat araw ay ipaalipin ang iyong bawat pag-iisip at subukan at tingnan kung ikaw ay nag-iisip, nakadarama at nabubuhay sa liwanag ng 31 katotohanang ito.Huwag panghinaan ng loob. Huwag magpabukas-bukas. Alalahanin ang kapangyarihang ibinigay sa iyo dahil ikaw ay na kay Cristo at palitan ang bawat kabulaanan ng mga katotohanan mula sa Efeso at magkaroon ng malaking pagbabago sa pamamagitan ng pagpapanibago ng iyong isipan. Asahan ang pamumuhay sa katotohanan ng kung sino ka kay Cristo sa lahat ng mga araw mo. Namatay Siya upang tayo'y mabuhay.



Tamasahin ang Kanyang buhay at ang Kanyang kapangyarihan at ang Kanyang katuwiran at sumulong sa pamamagitan ng pananampalataya sa bawat pagpapalang espiritwal na ibinigay sa iyo ni Cristo at magdala ng kaluwalhatian sa Kanyang pangalan! Sa susunod na mga linggo, may pananalanging bulay-bulayin kung sino ka at pasalamatan ang Panginoon. Isipin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa iyo na maaapektuhan kapag lubos mong natanggap ang bawat pagpapalang espiritwal na ibinigay na sa iyo. Salamat, Panginoon, sa lahat ng ibinigay na sa amin kay Cristo!



SINO AKO KAY CRISTO



Taong Banal

Tapat kay Cristo Jesus

Pinagkalooban ng Biyaya

Ginawang Kabahagi ng Katawan ni Cristo

Pinagkalooban ng Habag

Pinagkalooban ng Kapayapaan

Pinagpala ng Lahat ng Pagpapalang Espiritwal

Pinili Bago pa Likhain ang Sanlibutan

Banal at Walang Kasalanan

Minahal

Itinalaga Upang Maging Anak

Inampon Bilang Anak

Tinubos sa Pamamagitan ng Kanyang Dugo

Pinatawad sa mga Kasalanan

Binigyn ng Labis-labis na Biyaya

Binigyan ng Karunungan ng Hiwaga ng Kanyang Kalooban

Tinatakan ng Banal na Espiritu

Ginarantiyahan ng Pamana

Pinagkalooban ng Pananamplataya

Pinagkalooban ng Pag-asa

Pinagkalooban ng Kapangyarihan ng Diyos

Binuhay Kasama si Cristo

Iniligtas sa Pamamagitan ng Biyaya

Ibinangon Kasama si Cristo

Nakaupong Kasama ni Cristo sa Kalangitan

Isang Pagtatanghal ng Biyaya/Kabutihan ng Diyos sa Darating na Panahon

Pinagkalooban ng Kaloob ng Kaligtasan

Gawa ng Diyos

Nilikha kay Cristo Jesus para sa Mabubuting Gawa

Hindi na Isang Banyaga sa mga Kasunduan ng Pangako

Inilapit sa Pamamagitan ng Dugo ni Cristo

Ginawang Bahagi ng Isang Bagong Tao(Ang mga Hudyo kasama ang mga Gentil)

Ipinagkasundong Muli sa Diyos

Binigyan ng Daan Upang Makalapit sa Ama

Kapwa Mamamayan ng mga Banal

Kabilang sa Pamilya ng Diyos

Banal na Templo(Kaisa ng ibang Mananampalataya)

Itinatayong Isang Tahanang Dako para sa Diyos kasama ang Ibang Mananampalataya


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who I Am in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang planong ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ...

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagkakaloob ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.thistlebendministries.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya