Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

NAKAUPO KASAMA NI CRISTO
Dahil sa pakikiisa ng mananampalataya kay Cristo, ang pagkamatay, pagkalibing, pagkabuhay at pag akyat sa langit ni Cristo ay tinuturing ng Diyos na gayun din para sa mananampalataya. Samakatuwid, kagaya ng pag-upo ni Jesus sa kaluwalhatian, gayun din ang mananampalataya.
BASAHIN: Efeso 2:4-7
BASAHIN: Colosas 3:1-4
Namatay si Jesus. Namatay tayo. Nabuhay si Jesus. Nabuhay tayo. Nakaupo sa kaluwalhatian si Jesus. Gayun din tayo! Ituon natin ang ating isipan sa mga bagay patungkol sa langit kung nasaan si Jesus -- sa halip na ang mga makamundong bagay. Ano ang ilan sa mga makamundong bagay na umaagaw sa iyong pansin? Pangalanan sila isa-isa. Paano mo maitutuon ang iyong isipan sa mga makalangit na bagay? Alalahanin ang Hebreo 12:1-3. Nabuhay si Cristo! Nabuhay din tayo sa Kanya! Alleluia!
MALING PANANAW: Ang talagang mahalaga ay mga bagay sa mundong ito. Kailangan ko silang pagtuunan ng pansin at pagsumikapan.TAMANG PANANAW: Dahil nakaupo na si Cristo sa langit, at itinuturing ako ng Diyos na kasama Niya, nararapat lang na pagtuunan ko ng pansin ang aking tahanan sa langit.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang planong ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagkakaloob ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: www.thistlebendministries.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pakikinig sa Diyos

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw