Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

PinagpalaHalimbawa

Blessed

ARAW 7 NG 7

"Biyaya at Kahabagan" 



Ang matuwid na tao sa Mga Awit 112 ay inilalarawan bilang isang taong mapagmahal at puno ng habag. Ang dalawang makapangyarihang katangiang ito ay mga katangian din ni JesuCristo.



Ang biyaya ng Diyos ay hindi nakukuha sa paggawa at ito ay masaganang ipinagkakaloob. Ito ay handog na walang bayad. Hindi matanggap ng ibang tao na ang biyaya ay sapat na — gusto nilang may higit na gawin pa upang ito ay kanilang makamit. Ngunit sinasabi sa atin sa Roma 5:20-21(RTPV05) na:...sa pagdami naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos. Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito'y magdudulot ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo."



Maaaring may nagawa kang malalaking mga pagkakamali sa buhay mo, subalit ang biyaya ng Diyos ay higit na malaki kaysa sa iyong kasalanan. Wala ka nang kailangan pang gawin, maliban sa pagpapasyang isuko ang buhay mo kay Jesus, humingi ng Kanyang kapatawaran at tanggapin ang Kanyang hindi tampat na pabor at pagpapala sa iyong buhay. 



Ang kahabagan ay isa pang makapangyarihang katangian ng Diyos. Sa tuwing si Jesus ay gumagawa dahil sa habag, may nangyayaring napakamakapangyarihan. "Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila..." (Mateo 14:14)



Kapag may hinaharap kang mahirap na kalagayan, likas sa tao ang makaramdam ng awa, ngunit ang katotohanan ay hindi laging awa ang kailangan. Ang awa ay nauugnay sa suliranin o sa kirot, ngunit hindi ito nakatuon sa kasagutan, na makakatulong sa iyo upang makasulong. Ang kahabagan, kasama ang biyaya ng Diyos, ay isang makapangyarihang puwersa na nagpapagalaw sa Kanyang mga kasagutan para sa buhay mo. 



ANG SAKLAW NG IYONG BUHAY

Maaaring ilang beses ka nang nadapa, ngunit mas malakas ang biyaya ng Diyos kaysa sa mga kahinaan mo. Huwag mong ipagkamali ang awa sa habag sa mga taong nakapaligid sa iyo. Nawa'y magbigay ito ng sigla sa iyo at hanapin mo ang mga kasagutan ng Diyos sa lahat ng dako ng buhay mo. Ito ang paraan kung paano kang lumalago sa pamumuhay ng isang buhay na pinagpala.

Tungkol sa Gabay na ito

Blessed

Paano nga ba mamuhay ng isang pinagpalang buhay? Naniniwala ako na ang bawat tao ay may inaasam at sila'y naghahanap ng kasagutan. Kasama sa magkakaibang hanay ng makukulay na karakter sa Biblia, may isang hinangaan ako ...

More

Nais naming pasalamatan si Brian Houston at ang Hillsong sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://BrianCHouston.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya