Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PinagpalaHalimbawa

Blessed

ARAW 3 NG 7

"Kasaganaan" 

Ang isang pangako pa ng Diyos ay ang kayamanan at kariwasaan ay mapapasa-tahanan mo. Alam kong may ibang taong mas magiging kumportable kung ang sinabi ng bersikulo ay ang kayamanan at kariwasaan ay mapapasa-puso sa halip na sa kanyang tahanan. Sila yaong mga nakikipagbuno sa katotohanang ang kasaganaan ay pangako ng Diyos para sa kanilang buhay.

Isang kaibigan ko ang minsan ay nagkaroon ng pakikipag-usap sa isang pastor na pinupuna ang ganitong uri ng pag-iisip ngunit ibinahagi niya kung gaano ka-desperado ang kanilang simbahan na makakuha ng isang pastor para sa mga kabataan, ngunit wala silang pondo na kailangan upang kumuha nito. Kaya't makikitang, kapag walang pera, napakahirap (sa isang paglilingkod, sa isang negosyo, sa isang pamilya) na matupad ang pagsisikap ng Kaharian na nasa puso mo. 

Ang ibang mga Cristiano ay nakikipagbuno sa kaisipang sila'y pinagpala sapagkat ipinapalagay nilang ang kayamanan at ang kasakiman ay magkapareho, ngunit hindi ito totoo. Ang ating Ama sa Langit, tulad ng kahit sinong mapagmahal na magulang, ay hindi mamasamain kung ang Kanyang mga anak ay pinagpala sa kanilang pananalapi. Ngunit tandaan natin na ang kayamanan at kariwasaan ay isang aspeto lamang ng pagkakaroon ng masaganang buhay — higit pa ito sa mga bagay na materyal. Isinulat ni Juan: "Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan" (3 Juan 1:2). 

Ang tunay na maunlad na tao ay hangad ang kapuspusan ng Diyos sa lahat ng bahagi ng kanilang buhay at nauunawaan na nais ng Diyos na pagpalain sila upang maging pagpapala rin sila sa iba. Tulad ng sinabi ni Jesus sa Juan 10:10, "Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap." 

ANG SAKLAW NG IYONG BUHAY
Nais ng Diyos na umunlad ka sa bawat bahagi ng iyong buhay, sa pisikal at maging sa espiritwal. Nagagalak Siya sa pagpapala sa iyo sapagkat sa kasaganaan ng Kanyang buhay na dumadaloy sa pamamagitan mo, maaari mong pagpalain ang ibang tao! Tanggapin mo ang katotohanang ito.

Tungkol sa Gabay na ito

Blessed

Paano nga ba mamuhay ng isang pinagpalang buhay? Naniniwala ako na ang bawat tao ay may inaasam at sila'y naghahanap ng kasagutan. Kasama sa magkakaibang hanay ng makukulay na karakter sa Biblia, may isang hinangaan ako nang husto. Ang kanyang pangalan ay hindi nabanggit, ngunit namumuhay siya ayon sa mga prinsipyo ng Biblia. Ang bayaning ito sa Biblia na binabanggit ko ay ang matuwid na taong inilalarawan sa Mga Awit 112.

More

Nais naming pasalamatan si Brian Houston at ang Hillsong sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://BrianCHouston.com

Mga Kaugnay na Gabay