Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

PinagpalaHalimbawa

Blessed

ARAW 4 NG 7

"Pangitain"



Isa sa mga bagay na nagustuhan ko tungkol dito sa makatuwirang taong ito na mababasa sa Mga Awit 112 ay ang malinaw na pagkakaroon niya ng buhay na higit pa sa inaasahan mo sa kanya. Kapag sinabing, "ipinangalat niya sa malayo," iyon ay patungkol sa isang buhay na malayo ang naaabot at malawak ang nagiging epekto nito sa ibang tao.



May mga taong tila baga hindi na makasulong sa buhay sapagkat maliit ang kanilang pangitain. Sa halip na patuloy lumago at umunlad ang kanilang buhay, pinipili pa nilang maging isang malaking isda sa maliit na lawa. Dahil dito, nilalagyan nila ng hangganan ang maaari nilang gawin. Sinasabi ng Biblia na: "Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan..." (Kawikaan 29:18 RTPV05)



Ang pagkakaroon ng pangarap o tiyak na layunin ay magdadagdag ng direksyon at dahilan sa buhay mo. Batid ni Jesus na isinilang Siya para sa layunin ng Kaharian ng Diyos at naunawaan Niya na ang kaugnayan Niya sa mundo ay umiikot sa layuning ito. Ikaw at ako ay ipinanganak din para sa layuning ito, ang magkaroon ng isang buhay na may kapangyarihang higit pa sa ating mga sarili. 



Madaling masilo sa sobrang kapaguran at kagipitan ng pang-araw-araw na buhay, ang pagtatrabaho upang mabayaran ang mga utang at makapaglagay ng pagkain sa mesa. Subalit dahil sa pagkakaroon ng mahabaging espiritu, iisipin mong ipangalat ito sa malayong lugar sa pamamagitan ng magagawa mo para sa ibang tao, at paglalagay ng pagkain sa mesa ng ibang tao. Imposibleng magkaroon ka ng pangitain na mas malaki pa kaysa sa plano ng Diyos para sa buhay mo. Ang Kanyang mga plano ay NAPAKALAKI. Habang pinagpapala ng Diyos ang iyong buhay, patuloy mong paunlarin ang iyong sarili at tumingin nang higit pa sa sarili mo upang pagpalain ang ibang tao at itayo ang Kanyang Kaharian. 



ANG SAKLAW NG IYONG BUHAY

Ano ang pangarap mo? Ano ang pangitain mo? Isulat mo ang mga ito at dalhin mo ito sa Diyos sa iyong panalangin. Imposible para sa iyong magkaroon ng pangarap o pangitain na napakalaki para sa Diyos. Gusto Niyang maisabuhay ang mga pangarap na iyon at maitayo ang Kanyang Kaharian sa pamamagitan mo! Paniwalaan mo ito. 

Tungkol sa Gabay na ito

Blessed

Paano nga ba mamuhay ng isang pinagpalang buhay? Naniniwala ako na ang bawat tao ay may inaasam at sila'y naghahanap ng kasagutan. Kasama sa magkakaibang hanay ng makukulay na karakter sa Biblia, may isang hinangaan ako ...

More

Nais naming pasalamatan si Brian Houston at ang Hillsong sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://BrianCHouston.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya