PinagpalaHalimbawa

"Ang Pagiging Mapagbigay "
Ang kalikasan ng Diyos ay ang magbigay, at lahat ng Kanyang ginagawa ay mula sa isang espiritu ng pagiging mapagbigay. Sa ganitong paraan din, dapat nating hangarin na maging tunay na mapagbigay at hayaan nating ang mga buhay natin ay dumaloy sa pagpapala sa ibang tao. Ang pagiging mapagbigay ay hindi patungkol sa kung gaano ang mayroon ka, at hindi rin ito napapatunayan sa isang paggawa lamang — ang tunay na diwa ng pagiging mapagbigay ay isang uri ng pamumuhay.
• Isang paraan ng pagtingin
"Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain,at tiyak na ikaw ay pagpapalain" (Kawikaan 22:9).
Ang mapagbigay na mata ay makikita ang higit pa sa sarili niya at mabilis na nakakakita ng pagkakataong magbigay ng pagpapala sa ibang tao. Sa halip na maging isang taong nakaupo lamang habang nagbibigay ng marahas na paghatol sa ibang tao, ang mapagbigay na espiritu ay bukas sa paniniwala ng pinakamabuti sa isang tao.
• Isang paraan ng pag-iisip
"Ngunit ang taong marangal ay gumagawa ng tapat..." (Isaias 32:8).
Kapag ang pagiging mapagbigay ay isang paraan ng pag-iisip, ang isang tao ay laging magbabalak ng pagpapala para sa ibang tao. Nakita ng Diyos ang pangangailangan ng mundo, at nag-isip Siya ng isang mapagbigay na pamamaraan. Ito ang tinatawag na Ebanghelyo, na ang ibig sabihin ay ang "mabuting balita."
• Isang uri ng pamumuhay
"...at naninindigan sa kung ano ang tama" (Isaias 32:8).
Kapag ang pagiging mapagbigay ay isang uri ng pamumuhay, ito ang nagiging paninindigan natin. Hindi ito isang gawain, isang paggawa lamang o isang panangutan na ginagawa mo nang masama ang loob mo — ito ay isang uri ng pamumuhay. Pangako ng Diyos na ang isang taong may "mapagbigay na mata" ay isang taong taong pagpapalain din.
Ang Kaharian ng Diyos ay tumutukoy sa lahat ng nasa Kanyang nasasakupan, sa Kalangitan o sa lupa man. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng espiritu ng Kaharian ay ang pagkakaroon ng pangitaing mas malaki kaysa sa iyo — lagi kang mag-iisip ng mga mapagbigay na pamamaraan o balak para sa ibang tao.
ANG SAKLAW NG IYONG BUHAY
Ang pagiging mapagbigay ay hindi lamang isang pagkilos kundi ito ay isang paraan ng pagtingin, pag-iisip at pamumuhay. Higit pa rito, ito ang nais ng Diyos para sa iyo. Kaya't humanap ng mga pagkakataon upang pagpalain ang ibang tao, mag-isip ng mga mapagbigay na pamamaraan at abutin ang mga nasa paligid mo sa pangalan ni Jesus!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Paano nga ba mamuhay ng isang pinagpalang buhay? Naniniwala ako na ang bawat tao ay may inaasam at sila'y naghahanap ng kasagutan. Kasama sa magkakaibang hanay ng makukulay na karakter sa Biblia, may isang hinangaan ako nang husto. Ang kanyang pangalan ay hindi nabanggit, ngunit namumuhay siya ayon sa mga prinsipyo ng Biblia. Ang bayaning ito sa Biblia na binabanggit ko ay ang matuwid na taong inilalarawan sa Mga Awit 112.
More
Nais naming pasalamatan si Brian Houston at ang Hillsong sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://BrianCHouston.com