Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PinagpalaHalimbawa

Blessed

ARAW 6 NG 7

"Pangangalaga"

Ang paggalang ang mangangalaga sa iyo laban sa mga hindi inaasahang pagsalakay mula sa iyong mga kaaway. Sa loob ng maraming siglo, isa sa mga pamamaraan ni Satanas ay ang wasakin ang kredibilidad ng mga Cristiano at papanghinain ang mabuting pangalan ng simbahan. 

Ang pagkawala ng iyong kredibiliad ay maaaring papanghinain ka sapagkat maaari ring mawala ang iyong kapangyarihan, mga biyaya at katayuan ng impluwensya na maaaring nakamit mo. Ang pagkakaroon ng karangalan, katuwiran at paggalang ay malaking proteksyon laban sa mga sandata ng iyong kaaway, ang demonyo. Ang pangako sa Salita ng Diyos ay:

"Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay” (Isaias 54:17).

May mga sandata mang mabuo laban sa iyo, ngunit sila ay walang dudang hindi magtatagumpay, maliban kung gagawin mo ang sarili mong maging madaling patamaan. Malinaw ang itinatagubilin ng Biblia: "Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo" (Efeso 4:27).  

Ang hindi pagbibigay sa kanya ng pagkakataon, ng kalamangan at hindi pagpapahintulot sa kanya na kumilos sa iyong buhay ang paraan kung paanong mahahadlangan ang kanyang tangkang nakawin ang mga biyaya ng Diyos sa iyo. Upang maging magaling na manlalaro ng tennis, kailangang putulin ang mga panulukan, upang maging mas mahirap para sa kalaban mong makatira laban sa iyo. Ganito mo rin dapat labanan ang mga pamamaraan ng demonyo — putulin mo ang mga panulukan at huwag kang maging mangmang sa kanyang mga pakana. Hindi kailanman maglalaro nang patas si Satanas. Kung may mga suliranin sa iyong buhay na maaaring magbigay sa kanya ng lugar upang kumilos, harapin mo ito. Kung hindi, binibigyan mo siya ng pagkakataong gamitin ang mga ito laban sa iyo. Maaari mo siyang saraduhan ng pinto at pangalagaan ang iyong buhay may asawa, ang iyong mga damdamin, kalusugan at iyong pananalapi sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng Diyos. 

ANG SAKLAW NG IYONG BUHAY
Ang susi sa pangangalaga sa iyong sarili mula sa kalaban ay ang pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng Diyos — pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos at pinagkalooban ng kapangyarihan ng biyaya ng Diyos. Anong mga bahagi ng buhay mo ang maaaring magbigay ng puwang sa kaaway? Dalhin mo ang mga ito sa Panginoon sa iyong panalangin, gumawa ka ng mga pagbabago ngayon at pangalagaan mo ang bawat bahagi ng iyong buhay sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng buhay mo ayon sa Salita ng Diyos.

Tungkol sa Gabay na ito

Blessed

Paano nga ba mamuhay ng isang pinagpalang buhay? Naniniwala ako na ang bawat tao ay may inaasam at sila'y naghahanap ng kasagutan. Kasama sa magkakaibang hanay ng makukulay na karakter sa Biblia, may isang hinangaan ako nang husto. Ang kanyang pangalan ay hindi nabanggit, ngunit namumuhay siya ayon sa mga prinsipyo ng Biblia. Ang bayaning ito sa Biblia na binabanggit ko ay ang matuwid na taong inilalarawan sa Mga Awit 112.

More

Nais naming pasalamatan si Brian Houston at ang Hillsong sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://BrianCHouston.com

Mga Kaugnay na Gabay