Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Fearless: A Six-Week Journey Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 82 NG 88

IKA-ANIM NA LINGGO: WALANG TAKOT NA PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYA

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahing muli ang Mga Taga-Efeso 2:1-10. Anong bagong kaalaman ang natanggap mo ngayong araw na ito sa iyong pagbabasa?

Ikaw ay iniligtas para sa isang layunin. Ikaw ay Kanyang nilalang! Dati kang patay, ngunit ngayon ikaw ay binuhay! Hilingin mo sa Diyos na maipangaral mo ang Ebanghelyo sa iyong sarili araw-araw. At pagkatapos ay hilingin mong maipamuhay mo ang Ebanghelyong ito araw-araw.

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Patuloy na pag-isipan at ipanalangin kung paano mo maibabahagi ang mga katotohanang ito sa ibang tao. Sino ang inilagay ng Diyos sa iyong buhay? Gumawa ng isang talaan ng mga taong nakakasalamuha mo araw-araw. Simulang hilingin sa Diyos na bigyan ka ng pagkakataong maging "Jesus" sa kanila.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Pag-isipang mabuti at subukang kabisaduhin ang mga sumusunod na taludtod, kasama ang ibang mga taludtod na ibinigay kahapon, upang masabi mo sila sa iyong puso at isip at maaari mong ibahagi ang mensahe ng Ebanghelyo sa ibang tao!

Aminin at Ipahayag
Mga Taga-Roma 10:9-10 - "Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na Siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas."

Lumakad sa Paraang Karapat-dapat
Mga Taga-Colosas 1:10 - "Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos."

Humayo at Gumawa ng mga Alagad
Mateo 28:19-20 - "Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo. Tandaan ninyo, Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kawalang-Hanggan Kasama ang Diyos
Juan 3:16 - "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.".

Banal na Kasulatan

Araw 81Araw 83

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Learn how to move beyond the fear that overwhelms you and holds you back in your faith and enjoy a whole new life of freedom, fearlessness, and effectiveness in your life and witness! Ideal for busy moms, single women, and college students.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org