Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Fearless: A Six-Week Journey Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 44 NG 88

IKA-APAT NA LINGGO: ANG PAG-AKYAT SA BUNDOK

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 26:41 at Hebreo 12:12-13.

Isipin mo ang mga dahilan kung bakit nahihirapan kang maglaan ng panahon kasama ang Diyos. Manalangin ka: Panginoon, kailangan ko ang tulong mo upang magkaroon ako ng pagnanais na maglaan ng oras kasama ka, na kailangan ko ito. Tulungan mo ako, Panginoon!

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Paano kung maaari kang makapaglaan ng panahong kasama ang Diyos na Kataas-taasan, ang lumikha ng daigdig, ang lumikha sa iyo? Paano kung maaari kang maupong kasama Siya at makipagniig sa Kanya sa pang-araw-araw na oras ninyo sa isa't-isa? Gaano kalaki kaya ang pagbabagong mangyayari sa atin kung isasapuso natin ito at kikilos tayo ayon dito? O Panginoon, napakahina namin at hindi kami makakita nang mabuti. Nariyan Ka na ngunit dinadaan-daanan ka lamang namin. Tuwing umaga, maaari tayong magkaroon ng panahon kasama si Jesus at matuto mula sa Kanya. Tulungan Mo kaming magkaroon ng mga matang nakakakita! Tulungan Mo kaming magkaroon ng taingang nakakarinig! Panginoon, tulungan Mo kami.

Gaano bang kahirap sa iyong alalahanin ang regalong ibinigay sa iyo? Aminin mo ang pagiging makakalimutin mo at ang kahangalan mo! Hilingin mo sa Kanyang tulungan kang magamit ang ibinigay Niya sa iyo. Hilingin mo sa Kanyang tulungan kang makapaglaan ng panahon na kayo lamang dalawa. Hinding-hindi ka na magiging katulad ng dati. At ang mundo mo ay hinding-hindi na magiging katulad ng mundo mo ngayon.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya'y itanim ninyo sa inyong puso.
Araw 43Araw 45

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Learn how to move beyond the fear that overwhelms you and holds you back in your faith and enjoy a whole new life of freedom, fearlessness, and effectiveness in your life and witness! Ideal for busy moms, single women, and college students.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org