Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

PANIMULA
Basahin ang Mga Awit 46
PAGHAHANDA NG IYONG PUSO
Maraming mga babae ang nahihirapan, napipigilan o napaparalisa ng takot sa kanilang paglakad sa buhay Cristiano at sa kanilang araw-araw na buhay. Hindi sila nagkakaroon ng kagalakan ng Panginoon at ng kasiyahan sa pagsasabuhay ng nais ng Diyos para sa kanila, at ang maranasan ang matagumpay na buhay Cristiano dahil sa kanilang takot, pagkabalisa at pag-aalala. Paano kang inilalayo ng takot sa pagpupuri sa Diyos at sa pagkakaroon ng kagalakan sa Kanya sa bawat araw?
Ang mga kaisipan at takot ng ilang mga banal katulad mo at katulad ko ay nakasulat sa ibaba. Basahin mo ang mga ito at nang malaman mo na hindi ka nag-iisa sa iyong suliranin. Hilingin mo sa Panginoon na ipakita ang mga takot na nakatago sa iyong puso.
"Natatakot ako na hindi ako karapat-dapat sa biyaya ng Diyos dahil sa aking kasalanan ngayong araw" ... Nababahala akong parurusahan Niya ako para turuan ng aral dahil matigas ang ulo ko."
"Natatakot ako sa kahihinatnan ng matinding pagbabago sa pamumuhay sa lubos na pagtatalaga ng buhay ko. Ano na lamang ang iisipin ng mga tao - ng mga kaibigan ko, ng aking pamilya, mga anak at kahit ng kapwa ko Cristiano?"
"Sa kabila ng lahat ng nalalaman ko tungkol sa Kanya at sa Kanyang pag-ibig sa akin, natatakot pa rin ako magparaya at hayaang Siya ang manguna sa akin. Minsan hinihintay ko ang damdamin bago ang pagsunod, ngunit ang damdamin ay bunga ng pagsunod."
"Natatakot akong mawalan ng kabuluhan."
"Natatakot akong ang aking mga layunin, mga inaasahan, at mga pangarap ay hindi ayon sa mga plano ng Diyos sa akin. Natatakot ako na kung susunod ako sa Kanya, kailangan kong tumira sa bahay na putik sa Zimbabwe."
"Natatakot akong mabigo, maraming beses na akong binigo ng aking mga magulang sa lupa, mahirap paniwalaan na maaari akong magtiwala sa Diyos."
"Napakahirap ng aking kalagayan. Siguro ay hindi Niya ako mahal o hindi Siya gumagawa para sa akin dahil nanalangin naman ako ngunit walang nangyayari. Kung mayroon Siyang kapangyarihan, bakit hindi Niya ito ginagamit?
"Nahihirapan akong maniwala na totoo ang Biblia, kaya pinipili ko kung ano ang paniniwalaan at gagawin ko; pagkatapos ay nagtataka ako kung bakit walang nangyayari sa akin. Gusto kong maniwala sa Diyos at sundin ang Kanyang salita, pero hindi ko ito ginagawa, sarili ko ang sinusunod ko, at hindi ito nakabubuti sa akin ... kaya sinisisi ko Siya."
"Natatakot ako na kapag lubusan kong isinuko ang aking sarili sa Diyos, hindi ko na makikilala ni magugustuhan ang sarili ko."
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Ano ang kinatatakutan mo? Magtapos sa pamamagitan ng panalangin sa pamamagitan ng Awit 46.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan