Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 16 NG 88

Unang Linggo: Ang Hangin at ang mga Alon

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 14:31-33.

Magnilay sa mga ipinakita sa iyo ng Diyos mula sa ikatlo hanggang sa ikawalong araw. Maaari mong balikan ang mga araw na ito at alamin kung ano ang ipinapaalala sa iyo ng Panginoon. Pag-aralan kung paanong nangusap sa iyong puso ang Panginoon ngayong linggong ito.

MAGNILAY
Huminto at mag-isip. Tanungin mo, Nabubuhay ba ako sa katotohanan? Lumalakad ka ba sa katotohanan? Ang katotohanan ba ang aking Panginoon, o ang aking damdamin? Paniniwalaan ko ba ang aking nararamdaman, mananangan ba ako sa sarili kong kaalaman, o maniniwala ba ako sa Diyos at sa Kanyang salita? "Piliin mo ngayong araw na ito kung sino ang iyong paglilingkuran" (Josue 24:15).

Hilingin mo sa Panginoon na bigyan ka ng higit na kaunawaan sa mga susunod na linggo. Ano ang nais Niyang gawin mo sa iyong napag-aralan? Ano ang kailangang baguhin sa paraan ng iyong pag-iisip, pagkilos, pagsagot, o pagtatakda ng iyong mga gawain sa buong linggo? Mayroon bang Salita mula sa Banal na Kasulatang nais Niyang isapuso mo? Paano mo ito maisasabuhay? Dalhin mong lahat ito sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Bigkasin ang Mateo 14:31-33 mula sa iyong pagkakatanda.

Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi Niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong Kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. '

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org