Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 8 NG 33

Ugaling Pampasaya: Panatilihing Malinis ang Budhi

Isang bagay na ikinawawala ng ating kaligayahan ay ang pakiramdam na tayo ay may kasalanan o kahihiyan dahil dito. Kailangan mong tanggalin ang pakiramdam na may kasalanan ka at panatilihing malinis ang iyong budhi kung nais mong maging masaya, dahil hindi ka maaaring nakararamdam na may kasalanan ka at maging masaya nang magkasabay.


Sabi sa Mga Taga-Filipos 2:15, “upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan,” (RTPV05).


Maaaring sabihin mo ang, “Nais kong maging masaya, ngunit paano ko pananatilihing malinis ang aking budhi samantalang hindi ito malinis sa ngayon?” Kailangan mong gawin ang sinasabi sa Mga Awit 32:1-2: “Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang.” (RTPV05).


Kaligayahan, kagalakan, at kaginhawahan ang tatlong bagay na hanap sa buhay ng lahat. Nais nating lahat na maging masaya. Nais nating lahat tamasahin ang buhay. Nais nating lahat ng kaginhawahan mula sa sakit. Sabi ng Biblia ito ay mula sa kadalisayan, at ang kadalisayan ay mula sa kapatawaran dahil sa kagandahang-loob ng Diyos.


Kaya't, heto ang isang paraang mapapanatiling masaya ang iyong puso: Panatilihing malinis ang iyong budhi.


Ang ibig sabihin nito ay sa simula at wakas ng bawat araw gumawa ng pagsisiyasat ng sarili, kung kailan kinakausap mo ang Diyos patungkol sa anumang namamagitan sa inyo ng Diyos, at alisin ang anumang basura sa araw mo. Gawin ang tinatawag na espirituwal na paghinga — ihinga palabas ang iyong mga kasalanan sa pagpapahayag sa Diyos at ihinga papasok ang kapangyarihan at paglilinis ng Diyos. Ipinapangako ng Diyos na “kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9 RTPV05).



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya