Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 13 NG 33

Ang Pamamahala sa Istress ay Nagsisimula sa Isip

Ang digmaan laban sa istress ay nagaganap sa pagitan ng iyong mga tainga. Ang labanan ay nasa iyong isip! Ito'y nasa iyong mga iniisip. Kung ano ang inilalagay mo sa iyong isipan ang nagdedetermina ng iyong antas ng istress.


Kung nais mo ng kapayapaan sa iyong isipan, kailangan mong kontrolin kung ano ang pinapayagan mong pumasok dito. Anuman ang ipinapasok mo sa iyong isip ay lalabas sa buhay mo.


Sinasabi ng Biblia ang “dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang” (Mga Taga-Filipos 4:8 RTPV05).


Kung nais mong mabawasan ang iyong istress, kailangan mong palitan ang iyong mga iniisip at kontrolin ang pinapayagan mong pumasok sa iyong isip. Sa bersikulong ito, binibigyan tayo ng walong pamantayan ng kung dapat payagan o hindi ang isang bagay sa ating isipan. Tanungin ang iyong sarili, “Ito ba ay karapat-dapat? Ito ba ay kapuri-puri? Ito ba ay totoo? Ito ba ay marangal? Ito ba ay matuwid? Ito ba ay malinis? Ito ba ay kaibig-ibig? Ito ba ay kagalang-galang?


Para ba itong telebisyon? Hinding-hindi! Ang telebisyon ay pa-grabe nang pa-grabe. Ang mga bida sa TV ngayon ay mga zombie, mga bampira, mga mamamatay-tao, mga adik sa droga, mga walang prinsipyong politiko, at mga taong baluktot. At libangan ang tawag mo doon? May sapat na nito sa mundo nang hindi ko pa ito iniimbita sa bahay ko.


Kapag iniisip mo ang mga bagay na karapat-dapat, kapuri-puri, totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang, ang iyong talagang inilalarawan ay ang Diyos. Ang sinasabi ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 4:8 ay ang isipin ang Diyos.


Sinasabi sa Isaias 26:3, “Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.” (RTPV05)


Tinutukoy ng iniisip mo kung gaano ka ka-istress at kabalisa. Kung itutuon mo ang iyong isipan sa Diyos, pananatilihin ka Niya sa lubos na kapayapaan.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya