Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 7 NG 33

Ugaling Pampasaya: Huwag Nang Indahin ang Maliliit na Bagay

Ikaw ba ay minsang nababahala at nakikipagtalo patungkol sa mga maliliit na bagay? Syempre. Lahat tayo ginagawa iyon! Napakahirap baguhin ang ugaling iyan dahil tayo ay likas na negatibo. Magmula pa kina Adan at Eva, gawain na nating magpalusot at manisi. Ipinagpapaumanhin natin ang ating mga pagkakamali at matapos ay sinisisi ang iba sa kanilang mga kamalian — at higit pa. Nagtatago tayo, at namumukol ng iba. Sinisisi natin ang iba para sa mga problema natin sa buhay.


Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 2:14-15: “Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama.” (RTPV05). Maaaring isa iyan sa pinakamahirap na gawing bersikulo sa Biblia. Sang-ayon ka ba?


May apat na klaseng reklamador akong palaging nakakatagpo.


Una ay ang mga maaangal. Pag gising mo sa umaga sinasabi mo ang, “Magandang umaga, Panginoon!” ngunit ang mga maaangal ay pipiliing sabihin ang, “O Panginoon, umaga na naman!”


Pangalawa ay ang mga martir. Ang paborito nilang sambitin ay, “Walang nagpapahalaga sa akin!” Eksperto silang kaawaan ang kanilang sarili. Sisimangot at magrereklamo sila kapag hindi nila nakuha ang gusto nila.


Pangatlo ay ang mga diskumpyado. Ang pananaw nila ay, “Bakit pa? Wala rin namang mangyayari.” Nilalason nila ang lahat.


Pang-apat ay ang mga naghahanap ng perpekto. Walang sapat para sa mga reklamador na ito. Ang paborito nilang sabihin ay, “Iyan na ba ang pinakamagaling na kaya mong gawin?”


Para sa akin, ang pinaka-nakakatakot na bersikulo sa Biblia ay ang Mateo 12:36: “Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya” (RTPV05).


Marapat kang pangilabutan dahil dito. Ilang beses ka nang nakapagreklamo, umangal, o nakipagtalo patungkol sa isang bagay samantalang hindi mo na dapat ininda ang maliliit na bagay? Huwag mo nang indahin ang maliliit na bagay.


Bagkus, “magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (1 Mga Taga-Tesalonica 5:18).



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya