Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 10 NG 33

Gusto Mong Maging Masaya? Ialay ang Buhay Mo sa Iba

Isinaayos ng Diyos ang sansinukob sa paraang ang kasayahan ay hindi magmumula sa katayuan, suweldo, pagtatalik, o tagumpay .


Ang kasayahan ay nagmumula sa paglilingkod. Dinisenyo ka ng Diyos na maging pinakamasaya kapag iniaalay ang buhay mo sa iba. Bakit? Ito'y dahil nais Niyang maging tulad ka Niya. Ito'y pawang patungkol sa pag-ibig!


“Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito.” (Marcos 8:35 RTPV05).


Upang magkaroon ng pusong masaya, kailangan mong ugaliing maglingkod at maging mapagbigay bawat araw.


Sinasabi sa Mateo 20:28, “Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.” (RTPV05).


Si Jesus ay naparito upang maglingkod at magbigay. Iyan ang dalawang bagay na makapagdudulot sa iyo ng higit na kasayahan kaysa sa anupamang bagay, at ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus. Kung ikaw ay hindi naglilingkod, kung ikaw ay hindi nagbibigay, hindi ka sumusunod kay Jesus. Napakasimple lang nito.


Isinaayos din ng Diyos ang sansinukob sa paraang mas inaalay mo ang buhay mo sa iba, mas bibigyan ka ng Diyos at mas mapagpapala at masisiyahan ka.


Sabi sa Mga Taga-Filipos 2:17-18, “Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan” (RTPV05).


Uudyukan ka ng iyong pananampalatayang ialay ang iyong buhay bilang handog at maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Ang pagsasakripisyo at paglilingkod ay dalawa sa mga susi sa panghabambuhay na kaligayahan — bukas-palad na pag-aalay ng iyong buhay alang-alang sa Magandang Balita.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya