Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 1 NG 33

Ugaling Pampasaya: Mamahinga sa Kagandang-loob ng Diyos

Hindi mo kayang kitain ang pag-apruba ng Diyos. Hindi mo kayang kitain ang pag-ibig Niya. Hindi mo kayang kitain ang pagkilala Niya. Ang Diyos ay pag-ibig, at iniibig ka Niya nang walang kondisyon. Kung nais mong maging masayang tao, kailangan mong mapanatag sa kagandahang-loob ng Diyos bawat araw.


Sabi sa Mga Taga-Filipos 3:3, “Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa mga panlabas na seremonya” (RTPV05).


Isang bagay na makakapagnakaw sa'yo ng kaligayahan mo ay ang ligalismo. Ang ligalismo ay isang saloobin na kailangan mong patunayan ang pagmamahal mo sa Diyos. Ang ligalismo ay ang pagtitiwala sa mga ginagawa mo para sa Diyos imbes na sa ginawa ni Jesus para sa'yo. Ito'y ang pag-iisip na kailangan mong sumunod sa mga patakaran at regulasyon at pagbabawal upang patunayang ikaw ay karapat-dapat.


Paano mo malalamang ikaw ay isang ligalista? Ito'y kung ikaw ay mapanghusga ng iba. Paano mo malalaman kung ikaw ay namumuhay sa ilalim ng kagandahang-loob? Ito'y kung ikaw ay mapagbigay-loob sa iba. Ang mga taong namumuhay sa ilalim ng kagandahang-loob ay mas nadadaliang magpatawad, dahil batid nilang patuloy silang pinapatawad ng Diyos.


Ang ligalismo ay magpapatuyot ng kaligayahan mula sa buhay mo. Tinutuyot nito ang kaligayahan mula sa mga simbahan. Nakapunta ka na ba sa simbahang ligalista? Ang simbahang iyon ay hindi masaya. Walang kagalakan sa ligalistang simbahan. Lahat sila ay naroon lang dahil sa tungkulin o pakiramdam na kasalanan ang hindi dumalo.


Kapag sa wakas ay napagtanto mo nang wala kang magagawa para mas mahalin ka ng Diyos, ito'y isa sa pinakanakakapagpalayang pakiramdam sa mundo. At, ito'y isang susi sa kaligayahan. Bawat araw, paalalahanan ang sarili mo ng kagandahang-loob ng Diyos, at mamahinga rito.


“Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya” (Filipos 3:9 RTPV05).



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya