Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 12 NG 33

Ang Diyos ay Palaging Nagbibigay. Tungkulin Mo ang Humingi

Noong bata pa ako, kailanmang may kailangan ako, pupuntahan at kakausapin ko ang tatay ko. Kung minsan ang kailangan ko ay mahal, ngunit naaalala ko na ni minsan noong bata ako na hindi ako nag-alala tungkol sa kung saan kukunin ng tatay ko ang pambili ng kung ano man ang kailangan ko. Hindi ko tungkulin iyon! Tungkulin ng tatay kong isipin kung saan manggagaling ang pambili. Tungkulin ko lang bilang bata ang humingi.


Hindi mo tungkulin ang isipin kung paano magbibigay ang Diyos. Tungkulin mo ang humingi.


Sabi ng Biblia sa Santiago 4:2, “Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi kayo humihingi sa Diyos” (RTPV05).


Heto ang ikalawang susi sa paghawak ng istress: Bawasan ang pag-aalala, at dagdagan ang paghingi. Imbes na mabalisa, ipanalangin ang lahat ng bagay.


Sabi sa Mga Taga-Roma 8:32, “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?” (RTPV05)

>

Kung nilutas ng Diyos ang iyong pinakamalaking problema, ang lahat ng ibang bagay ay maliit kung ikukumpara. Kung sapat ang pag-ibig ng Diyos sa'yo upang ibigay si Jesus na mamatay para sa iyong mga kasalanan, hindi kaya sapat ang pag-ibig Niya upang tulungan ka sa'yong pananalapi? Iniisip mo bang hindi sapat ang pag-ibig Niya upang tulungan ka sa'yong kalusugan? Sa'yong mga relasyon? Sa mga pasya sa karera? Sa pagsasara ng isang kontrata? Sa'yong deadline?


Walang bahagi ng iyong buhay na hindi interesado ang Diyos. Alam na Niya ang iyong kailangan, ngunit nais pa rin Niyang hingin mo ito sa Kanya. Imbes na mag-alala, ipanalangin ang lahat ng bagay.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya