Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 11 NG 33

Paghawak ng Istress: Huwag Mabalisa!

Ang kauna-unahang pinagmumulan ng istress sa'yong buhay ay hindi trabaho. Ito'y pagkabalisa. Hindi trabaho ang pumupuyat sa'yo sa gabi; pagkabalisa ang nagsasanhi nito.


Napakalinaw ng Diyos sa Biblia sa pagturing Niya sa pagkabalisa. Sabi sa Mga Taga-Filipos 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay” (RTPV05).


Bakit mo kailangang bitawan ang pagkabalisa?


Hindi makatuwiran ang pagkabalisa dahil sa dalawang dahilan. Una, pinapalaki ng pagkabalisa ang problema. Napansin mo ba na kapag may sinabing hindi maganda ang isang tao tungkol sa'yo, mas iniisip mo ito, tila mas lumalala ito? Ikalawa, walang pakinabang ang mabalisa. Ang mabalisa tungkol sa isang bagay na hindi mo mababago ay walang silbi. At ang mabalisa tungkol sa isang bagay na mababago mo ay kahangalan. E di baguhin mo na lang!


Ang pagkabalisa ay hindi natural. Walang ipinanganak na balisa. Maaaring inaakala mo ito tungkol sa sarili mo, ngunit hindi ito totoo. Ang pagkabalisa ay natutunan mo. Dahil ang pagkabalisa ay hindi natural, masama ito sa kalusugan. Kapag sinasabi ng mga tao ang, “Magkakasakit ako sa pag-aalala,” nagsasabi sila ng totoo. Sinasabi ng mga doktor na maraming taong makakauwi na mula sa ospital ngayon kung matutunan lang nilang patawarin ang sarili sa mga nakalipas na kasalanan, at bumitaw sa sama ng loob at pagkabalisa. Sabi sa Mga Kawikaan 14:30, “Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay” (RTPV05).


Ang pagkabalisa ay hindi nakakatulong. Ang pagkabalisa ay hindi makapagbabago ng nakaraan, at hindi makokontrol ng pagkabalisa ang hinaharap. Ang ginagawa lang nito ay guluhin ang kasalukuyan. Ang tanging binabago ng pagkabalisa ay ikaw. Ginagawa ka nitong miserable! Hindi pa ito kailanman nakalutas ng problema. Hindi ito nakakatulong.


Ang pagkabalisa ay hindi kinakailangan. Ginawa ka ng Diyos, nilikha ka Niya, iniligtas ka Niya, at inilagay Niya ang Espiritu Niya sa iyo. Iniisip mo bang hindi Niya ibibigay ang iyong mga pangangailangan? Walang dahilan upang mabalisa.


Ang unang hakbang sa paghawak ng istress ay ang tumangging mabalisa patungkol sa anumang bagay. Bakit? Dahil ito'y hindi makatuwiran, hindi natural, hindi nakakatulong, at hindi kinakailangan.


Sabi ng Biblia sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” (RTPV05).


Personal na nagmamalasakit sa inyo at sa inyong mga pangangailangan ang Diyos. Lahat ng mga bagay na iyong ikinaka-istress, ikinababalisa, at ipinag-aalala mo? Bitawan mo na. Ibigay ang mga ito sa Diyos.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya