Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 9 NG 33

Ugaling Pampasaya: Alaming Mabuti ang Salita ng Diyos

Maraming ipinangakong dakilang benepisyo sa buhay mo ang Diyos kung pagninilayan mo ang Salita ng Diyos at matapos ay susundin ito.


Nakagugulat, kung marunong kang mabalisa, alam mo na kung papaanong magbulay sa Salita ng Diyos. Ang pagkabalisa ay kapag hinawakan mo ang isang negatibong kaisipan at paulit-ulit itong pinag-isipan. Kapag hinawakan mo ang isang sipi mula sa Banal na Kasulatan at paulit-ulit itong pinag-isipan, ang tawag diyan ay pagbubulay-bulay.


May anim na paraang makilalang mabuti ang Salita ng Diyos.


• Maaari mong pakinggan ito,


• Maaari mong basahin ito,


• Maaari mong pag-aralan ito,


• Maaari mong isaulo ito,


• Maaari mong pagbulay-bulayan ito, at


• Maaari mong isagawa ito.


Ngunit kung ang gagawin mo lang ay pakinggan ang Salita ng Diyos pag pumunta ka sa simbahan, hindi mo makikilalang mabuti ang Salita ng Diyos, at napakadali nitong mawala sa iyong isip.


Sabi ng Biblia sa Mga Taga-Filipos 2:16, “habang pinaninindigan nʼyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan” (ASND). Hindi mo makikilalang mabuti ang Biblia malibang ginagawa mo ang anim na kaugalian: pakinggan ito, basahin ito, pag-aralan ito, isaulo ito, pagbulay-bulayan ito, at isagawa ito.


Sabi sa Mga Awit 119:16, “Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot.” (RTPV05). Gusto mo bang maging masaya? Mapapasaya ka ng mga prinsipyo ng Diyos, at maaalala mo ang mga prinsipyong iyan sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga ito, pagbubulay sa mga ito, at pagsasagawa ng mga ito.


Sabi sa Mga Awit 119:35, “Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.” (RTPV05). Kadalasan ay hinahanap natin ang kaligayahan sa mga maling lugar. Sinasabi ng Diyos na ito ay makakamtan sa pagsunod sa Kanyang mga utos.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya