Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 6 NG 33

Ugaling Pampasaya: Unawain na ang Diyos ay Nasa Iyong Panig

Anuman ang iyong kakaharapin sa sunod na linggo, hindi mo ito haharaping mag-isa. Ang Diyos ay kasama mo, Siya ay nasa iyo, at Siya ay panig sa iyo.


Sabi sa Mga Taga-Filipos 2:13, “sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (RTPV05).


“Ang Diyos ang kumikilos sa inyo.” Ang salitang “kumikilos” ay energos sa Griego, kung saan natin nakukuha ang salitang “energy.” Ang Diyos ang gumagawa ng pagkilos sa iyong buhay. Hindi ka umaandar sa sarili mo lang na paghangad. Hindi ka umaandar sa sarili mong lakas. Sinabi ng Diyos na bibigyan ka Niya ng lakas na kailangan mo, anuman ang iyong kinakaharap.


Hindi lang Siya nasa iyo, Siya ay kasama mo. Sabi ng Biblia, “Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at kayo nama'y nasa akin at ako'y nasa inyo.” (Juan 14:18, 20 RTPV05). Dakilang pangako iyan! Sinasabi ng Biblia na si Cristo ay nasa iyo; sinasabi ng Biblia na ikaw ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo; at sinasabi ng Biblia na kayo ay natatakan ng Espiritu Santo. Ibig sabihin niyan upang malapitan ka ng diyablo, kailangan niyang makalusot sa Ama, Anak at Espiritu Santo! Napakahusay na proteksyon niyan. Napakagaling na pang-alis ng takot.


Hindi lang na kasama at nasa iyo ang Diyos; Ang Diyos ay panig din sa iyo. Sabi sa Mga Taga-Roma 8:31, “Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?” (RTPV05)


Kapag inaakay ng isang pastol ang mga tupa, palaging may mga asong bantay, na banayad na kinakagat-kagat ang mga tupa upang maidirekta ang mga ito sa tamang direksyon.


Sinasabi ng Biblia na ang mga asong bantay sa buhay mo ay kabutihan at awa. Ibinibigay ng Diyos ang mga bagay na hindi karapat-dapat para sa iyo — iyan ay Kanyang kabutihan. At, hindi Niya ibinibigay ang mga bagay na nararapat sa iyo — iyan ang Kanyang awa.


Nararamdaman mo ba ang ngiti ng Diyos sa buhay mo? Kung hindi, hindi mo pa talaga nakikilala ang Diyos. Akala ng iba na ang Diyos ay parang iyong yamot na magulang na palaging galit sa kanila. Hindi. Ang Diyos ay panig sa iyo!


Kung nais mong maging masaya, kailangang bumangon ka bawat umaga at sabihin ang, “O Diyos, salamat na sasamahan Mo ako sa araw na ito, Ikaw ay nasa akin sa araw na ito, at Ikaw ay panig sa akin sa araw na ito.”


Hindi ba't napakagandang balita iyan? Kung kasama mo ang Diyos, at ang Diyos ay nasa iyo, at ang Diyos ay panig sa iyo, bakit ka pa ba naman malulumbay?



 


Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya