Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 5 NG 33

Ugaling Pampasaya: Bitawan Mo Na

Upang maging masaya kailangang bumitaw at matutong makalimot. Ang pag-aalala ay hindi makapagbabago ng nakaraan, kaya't kalimutan mo na ang hindi na mababago at tumuon sa hinaharap.


Sabi sa Mga Taga-Filipos 3:13-14, “nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan. Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.” (RTPV05).


Limitado lang ang iyong lakas. Iyan ang dahilan kung bakit ka napapagod. Iyan ang dahilan kung bakit ka napapagal. Iyan ang dahilan kung bakit ka patang-pata.


Dahil limitado lang ang iyong lakas, Iubos kong inirerekomenda sa iyong huwag sayangin ito sa nakaraan. Bawat araw, piliing ituon ang iyong lakas sa kasalukuyan at sa hinaharap.


Ang ugaling ito ay napakahalaga para sa iyong kasayahan, at may tatlong bitag na kailangan mong bantayan.


Ang bitag ng panghihinayang. Kailangan mong bitawan ang mga panghihinayang. Mayroon bang mga bagay na sana iba ang ginawa ko? Syempre. Ngunit hindi ko na dapat isipin nang isipin ang mga ito dahil hindi ko na mababago ang mga ito. Huwag nang pagsayangan ng emosyon ang mga panghihinayang.


Ang bitag ng sama ng loob. Ang pagkapit sa sama ng loob ay walang sinasaktan kundi ang sarili mo. Bitawan mo na! Para sa sarili mong kapakanan, kailangan mong magpatawad. Karapat-dapat ba sila nito? Hindi. Ngunit karapat-dapat ka ba ng kapatawaran mula sa Diyos? Hindi. Ang mga nakaranas na tumanggap ng kagandahang-loob ay mapagbigay-loob.


Ang bitag ng tradisyon. Ang lahat ay palaging nagbabago, at hindi mo ito mapipigilan. Kailangan mong magpasya kung lalabanan at pagsasamaan ng loob ang mga pagbabagong ito o magiging masaya. Ang kasayahan ay isang pagpili.


Kung paano mo tinatrato ang pagbabago ay magpapakita ng iyong antas ng kaganapan sa espirituwal. Kapag ikaw ay ginagabayan at naka-angkla sa walang hanggan, ang pagbabago ay maaaring maganap sa lahat ng dakong nakapaligid sa'yo at kakayanin mong piliing maging masaya.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya