Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 1 NG 25

Joy To The World

Joy to the World, the Lord is come!
Let earth receive her King.

Isinulat ni Isaac Watts ang “Joy to the World” noong 1719. Mula noon, bawat panahon ng Pasko, ang mga nangangaroling ay binibitawan ang mga salitang iyon na katulad ng isang pandugtong-buhay sa karagatan ng sangkatauhan. At bawat "isda" ay tiyak na makakahanap ng isang bagay na kaakit-akit at sulit kainin. Ang kagalakan ng pag-asa na nkapaloob sa mensahe ay umabot sa isang pagod na sanlibutan na umaasa na malasap ang isang bagay na tunay na mabuti!

Ang kagalakan ay dumating sa mundo dahil ang Diyos, ang ating dakilang Manlilikha, ay mahal na mahal ang Kanyang nilikha kaya ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang ihayag ang Kanyang kuwento, upang sa paglipas ng panahon, ang Kanyang karakter at ganap na mabuting kalooban sa sangkatauhan ay makilala. Ang epekto sa mundo ng kapanganakan ni Cristo ay hindi kailanman mababawasan sa kabila ng pagtatangka ng mga kaaway na pigilan ito. Sinasabi sa Juan 21:25 na hindi kayang saklawin ng sanlibutan ang mga aklat na maaaring isulat tungkol sa ginawa ng Panginoon habang nasa lupa. Mula noon marami pang patotoo ng Kaniyang pag-ibig na nakapagpapabago ang isinulat at isusulat pa.

Iniuulat ng Nehemias 8 na si Nehemias, ang mga pinuno, at ang mga tao ay nagdiwang ng Pista ng Tabernakulo nang may malaking kagalakan pagkatapos ibahagi ang Salita ng Diyos. Sa panahong ito, tayo rin ay magagalak sa kaisipan ng kapanganakan ng Tagapagligtas, Kanyang Layunin at Kanyang pamana.

Tanong:

Ano ang ikagagalak mo sa panahong ito ng Pasko?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church