Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Have Yourself A Merry Little Christmas
Have yourself a merry little Christmas, Let your heart be light.
From now on, our troubles will be out of sight.
Ang Pasko ay tila isang karera ng daga kung minsan. Nandoon ang kaabalahan sa huling minutong pamimili sa matataong mall, nakikipagbuno upang makakita ng perpektong regalo para sa isang tao, ang pagpapalamuti sa bahay (kasama na ang pagsusuri sa bawat isang bombilya sa hibla ng mga ilaw upang makita ang isa hanggang sa pinakahuli na nakapundi sa iba), pagbabalot ng mga regalo pagkatapos ng isa pang regalo at ng isa pa, o paghahanda para sa iyong ibang mga kapamilya na lulusob sa iyong bahay sa araw na iyon. Madaling mawala sa kaaabalahan ng Pasko, at makaligtaan ang mga bagay na tunay na mahalaga.
Makikita natin itong nangyari sa aklat ni Lucas, nang si Jesus ay kumain sa bahay ng dalawang magkapatid, si Maria at Marta. Ginugol ni Marta ang kanyang oras paikot-ikot na nagluluto, naghahanda ng hapunan at naglilinis. Ang mga ito ay pawang mabubuting bagay, ngunit "abalang" mga bagay. Samantala, si Maria ay nakaupo kasama si Jesus. Nang hilingin ni Marta kay Jesus na sabihin sa kanya na magtrabaho rin, sinabi Niya sa kanya, "Pinili ni Maria ang mas mabuti.”
Sinisikap ni Jesus na sabihin sa atin na mabuhay sa sandaling ito. Maganda na handa kang maging katulad ni Marta, at tinitiyak na nakatali ang lahat ng popcorn, ngunit hindi sulit na mawala ang pagkakataon na magkaroon ng isang tunay na pakikipag-usap sa isang miyembro ng pamilya na hindi mo madalas makita, o kapag lumiliwanag ang mukha ng iyong anak dahil nakuha nga ni Santa ang sulat na iyon at ibinigay ang eksaktong hiniling nila. Hindi ito ang lahat na kailangan nating gawin, ang listahan ng mga bagay na dapat nating i-check, subalit ito ay ang tungkol sa sandaling ito.
Sa taong ito, huwag palampasin kung ano ang mas mabuti. Gamitin ang pagkakataong ito na tamasahin ang iyong oras kasama ang mga kaibigan at pamilya. Gugulin ang oras na hindi nag-aalala sa mga bagay na kailangan mong gawin, ngunit masiyahan sa mga taong kasama mo. Maging presensya kung nasaan ka, dahil iyon ang mas mabuti, at magkaroon ng isang maligayang munting Pasko.
Mga Tanong:
Ano ang ilan sa mga bagay na kailangan mong alisin sa listahan upang maging mas katulad mo si Maria?
Ano ang mga mas mabuting bagay na iyong pipiliin upang maging bahagi ng Paskong ito?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church