Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 8 NG 25

Away In A Manger

Away in a manger, no crib for His bed;
The little Lord Jesus laid down His sweet head


Ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon ay ipinanganak sa isang sabsaban na walang kahit isang kama na mahihigaan. Ang abang simula ng buhay ng ating Panginoon ay nagpapaalala sa atin na tayo ay dapat maging mapagpakumbaba at mapagpasalamat sa kung ano ang ipinagkaloob sa atin. Ang tunay na kahulugan ng Pasko ay matulaing mailalarawan sa kuwento ng kapanganakan ni Jesus kaya hindi natin maiwasang makita ang ating mga sarili na maging mapagpasaamat sa lahat ng ibinigay sa atin ng araw na iyon.

Inilalarawan ng kanta kung paanong kahit si Jesus ay gising, hindi siya umiiyak o gugamawa ng ingay. Ang araw na ito ay araw ng kagalakan, at ang gising na sanggol na nakahiga sa dayami ay hindi isang pangkaraniwang bata, Siya ang Tagapagligtas ng tao! Ang huling talata ng kanta ay humihiling sa Panginoon na manatili sa tabi natin, upang patnubayan tayo, at sa huli ay dalhin tayo sa Langit upang mamuhay nang kasama Niya. Gaano kadalas na ganyan ang ating panalangin? Manatili sa tabi ko Panginoon habang tinatahak ko ang buhay sa mundong ito.

Napakaluwalhati at napakaganda ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ipinagdiriwang natin ang Kanyang kapanganakan at ang buhay na ibinigay Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan, at pagkabuhay na muli.

Mga Tanong:

Sa iyong opinyon, paano mailalarawan ng kantang ito ang pag-ibig ni Cristo?

Ano ang ipinapakita ng kantang ito sa iyo tungkol sa ating Panginoon sa simula ng Kanyang buhay sa lupa?

Bakit sa palagay mo pinili ng Diyos na ipanganak ang kanyang anak sa isang sabsaban sa halip na sa isang kapanganakan na angkop sa hari?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church