Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Mary Did You Know
Mary, did you know that your Baby Boy would one day walk on water?
Mary, did you know that your Baby Boy would save our sons and daughters?
Did you know that your Baby Boy has come to make you new?
This Child that you delivered will soon deliver you.
Napakinggan mo na ba ang kantang Mary, Did You Know?
Ang nakakaantig na kantang ito ay pinatutugtog ng mahigit nang tatlong dekada sa kapanahunan ng Pasko. Ang mga liriko ay napakaganda ang pagkakasulat at naglalaman ng makapangyarihang mga parirala tulad ng, “Maria alam mo ba na ang iyong sanggol na lalaki ay magpapakalma ng bagyo sa pamamagitan ng kanyang kamay…” at, “Itong batang ipinanganak mo ang siyang magliligtas sayo.”Ito ay isang makaantig-damdamin na linya ng mga tanong ng manunulat ng kanta na ngdudulot sa mga tagapakinig na mamangha sa kapangyarihan ng ating Diyos.
Wala tayong masyadong alam tungkol kay Maria maliban na siya ay isang birhen at malamang nasa kanyang kabataan. Ayon sa Lucas 1:28, alam natin na siya ay “labis na kinalulugdan” at na “ang Panginoon ay sumasakaniya.” Kahit na walang nakamamanghang katangihan, ginamit siya ng Diyos. Mahimig, munting Maria na nag-iisa at hindi malaki “ang gampanin” ay inanyayahan ng Lumikha ng sansinukob na baguhin ang mundo.
Iniisip ng marami na ang dahilan kung bakit siya pinili ay dahil sa kanyang pagpayag. Nang marinig ang plano ng Diyos para sa kanyang buhay, tumugon si Maria, “Ako ay lingkod ng Panginoon. Nawa'y magkatotoo ang lahat ng sinabi mo tungkol sa akin.” (Lucas 1:38)
Sumagot lamang si Maria ng oo sa kanyang Panginoon nang walang anumang kondisyon.
Nasaan ka sa buhay mo ngayon? Ilang bahagi ng “ikaw” ang tunay mong isinuko? Namumuhay ka ba sa katotohanan na “ang iyong buhay ay hindi sa iyo” at na ikaw ay “nabili ng may halaga”? Mayroon bang bagay na kulang sa iyo dahil hindi mo Siya hahayaang manguna?
Mayroon tayong Mesiyas. Ang kanyang pangalan ay Jesus. Siya ang Tagapagligtas ng mundo. Naglakad siya sa tubig nang walang kahit isang paghihirap. Siya ay dumating at namatay upang tayo ay maging bago. Binigyan niya ng paningin ang isang bulag sa kaunting dumi at laway. Nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog at pinakalma ang rumaragasang bagyo gamit ang kanyang kamay na tao. Pinakain niya ang mahigit 5,000 tao ng kaunting tinapay at isda. Ginagawa niya ang mga milagro.
At mayroon Siyang kamangha-manghang mga plano para sa iyong buhay.
Mga tanong:
Ano ang hindi mo isinuko sa Diyos?
Ano ang pumipigil sa iyo na gawin ito?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church