Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 4 NG 25

I Heard The Bells On Christmas Day

Then pealed the bells more loud and deep:
“God is not dead, nor doth he sleep;
The wrong shall fail, the right prevail,
With peace on earth, good will to men.”


Sino ang Diyos sa iyo? Siya ba ang iyong tagapagtanggol? Ang iyong tagapag tustos? Ngayong Kapaskuhan, hinayaan mo ba Siya na maging kapayapaan mo?

Madaling tingnan ang Diyos bilang isang kaibigan na matatakbuhan sa oras ng problema o isang magic genie na nagbibigay ng lahat ng iyong mga panalangin. Ngunit ang Diyos ay higit pa riyan, at ang mga pagpapalang nais Niyang ibigay sa iyo ay walang katapusan! Siya ay nag-aalok ng napakaraming magagandang bagay—ganap na walang bayad–kabilang ang pag-asa, kagalakan, at kapayapaan para sa iyong puso. Walang gusto ang Diyos kundi ang pinakamabuti para sa iyo.

Bagama't ang iyong mga kalagayan ay maaaring mahirap, o mahirap unawain kung minsan, hindi iyon nangangahulugan na wala ang Diyos. Siya ay nagmamalasakit sa iyo, nagmamahal sa iyo nang may perpektong pag-ibig, at naghihintay sa iyo na hayaan Siyang maging iyong kapayapaan. Kaya ngayong Pasko, habang iniisip mo ang lahat ng mga regalong kailangan mong bilhin, at ang iyong walang katapusang listahan ng gagawin, huwag kalimutang huminto at tandaan na ang Diyos lamang ang makakapagbigay sa iyo ng hindi matitinag na katahimakang lakas na nagmumula sa Kanyang kapayapaan.

Mga tanong:

Sa anong mga paraan ka nakakatagpo ng kapayapaan at kaaliwan sa Diyos?

Anong mahihirap na kalagayan ang kasalukuyan mong kinakaharap na kailangan mo ang kapayapaan ng Diyos upang tulungan kang magtiis?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church