Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 9 NG 25

Ding Dong! Merrily On High

Ding dong! Merrily on high
In heav’n the bells are ringing:
Ding dong! Verily the sky
Is riv’n with Angel singing.


Parang napakarami nating kampana, at kampanilya at kuliling sa ating mga buhay. Ang microwave na nagsasabi sa atin na ang "lutong-bahay" na chicken nuggets ay luto na, o ang ating sasakyan na bumubusina para sabihin sa atin na ang ating seatbelt ay hindi nakakabit, o ang nakakainis na “Aaaeee! Aaaeee! Aaaeee!” galing sa ating orasan na tumatagos sa madilim na silid na gumigising sa ating pagkatulog; ang ating buhay ay napapaligiran ng mga ingay at babala. Ang mga babalang ito ay maaari ring mangahulugan ng maraming bagay.

Mula sa bantog, magandang kantang Pamasko na ito iginuhit sa atin ang larawan ng nagdiriwang na kampanilya mula sa langit. Parang inilalarawan ng may akda ng kantang ito ang paraan kung paano natin maaaring marinig ang isang tawag mula sa langit. Sa iba't ibang mga talata, inilalarawan ng kasulatan kung paano nakarinig ang isang tao mula sa Diyos. Sa ibang mga pagkakataon ito ay isang malakas na tunog katulad ng kulog at sa iba ay isang tahimik, maliit na tinig.

Narinig mo na ba ang banayad na bulong na tumatawag sa iyo katulad ng narinig ni Elias sa 1 Mga Hari 19:12? Maaari tayong tawagin ng Diyos sa iba't ibang paraan. Ngunit kung paano Niya tawagin ang bawat isa sa atin ay pambihira. Maaaring tawagin ka niya para magministeryo sa isang kaibigan na dumaranas ng mahirap na panahon ng kapaskuhan. Maaaring tinatawag ka niya para sa isang bagong propesyon. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga medikal na doktor upang maglingkod sa mga hindi kayang magpagamot, mga kontratista para gumawa ng isang paaralan sa isang mahirap na bansa, o isang mangagawa sa halamanan upang putuilin ang damo ng isang matandang balo sa kapitbahayan. Anuman ang iyong talento, maaaring gamitin ito ng Diyos upang pagpalain ang iba. Ang mahalaga ay pakinggan mo ang Kanyang tinig, katulad ng magagandang kampanilya mula sa langit. Tinatawag ka Niya upang maging isang ilaw sa buhay ng isang tao sa Paskong ito.

Kaya, sige at pindutin ang snooze ng iyong orasan, subalit tumugon sa tawag ng Ama sa iyong buhay.

Mga Tanong:

Paano mo narinig ang Diyos noon?

Ano ang tinatawag ng Diyos sa iyo na gawin mo para sa iba sa panahon ng Paskong ito?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church