Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 2 NG 25

Angels We Have Heard On High

Angels we have on heard high
Sweetly singing o’er the plains
And the mountains in reply
Echoing their joyous strains
Gloria in Excelsis Deo


Ano ang nagpapamangha sa iyo? Ano ang mga bagay ang nagiging dahilan upang hindi ka makapagsalita kapag nakita mo ang mga ito? Ito ba ay ang makita ang isang miyembro ng pamilya na hindi mo nakikita sa loob ng maraming taon? Ito ba ay ang pagbisita sa isang marilag na lugar katulad ng isang bundok o isang makasaysayang lugar katulad ng mga sinaunang piramid ng Ehipto? Ang gabi ng kapanganakan ni Cristo ay ang pinakamalaki at kahanga-hangang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng tao, nang ipinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo upang sa huli tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Walang pangyayari sa kasaysayan bago o pagkatapos ng kapanganakan ni Jesus na nagbunga sa ganyang pagdiriwang na ang mga anghel mismo ay nagpahayag ng kanilang pisikal na presensya at ang kanilang mga tinig ay narinig sa awit. Naisip mo ba kung paanong nalaglag ang panga ng mga pastol nang makita at marinig ang mga anghel? Napakaganda ng sandaling iyon na marahil ay hindi natin kayang maunawaan kung ano ito dahil sa totoo lang, walang isa man sa atin ang nakakita ng ganoong tanawin.

Tila ang mga tao sa ngayon ay hindi gaanong nagkakaroon ng mga karanasan nang lubos na pagkamangha. Ang teknolohiya ay nagdala nang napakarami sa mundo sa ating mga sala at dulo ng mga daliri na maaari naming makita ang anumang bagay na gusto natin at pakiramdam na tayo ay nasa saan mang lugar na gusto natin. Sa kasamaang-palad, karamihan sa atin marahil ay may mas kaunting mga kamangha-manghang sandali kasama ang Diyos kaysa sa nararapat. Ang ating relasyon sa Kanya ay kadalasang nagiging masyadong komportable at ordinaryo. Sa Paskong ito, subukang maibalik ang mga nakakamanghang mga sandali kasama ang Diyos. Sikaping gawin ang iyong relasyon sa Kanya na isang bagay na lubos na nagbibigay inspirasyon na nagdudulot sa iyo ng kagalakan katulad ng ginawa ng mga anghel. Huwag hayaang ang iyong relasyon sa Kanya ay maging ordinaryo, sa halip gawin itong pambihira.

Mga Tanong:

Isipin ang tungkol sa ilang mga nakakamanghang sandali na naranasan mo kasama ang Diyos. Paano ka binago ng mga sandaling ito?

Ano ang mga pagbabago na kailangan mong gawin sa buhay mo upang magsimula kang magkaroon ng nakakamanghang mga sandali kasama ang Diyos?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church