Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

O Come, O Come Emmanuel
Rejoice! Rejoice! Emmanuel,
Shall come to thee, O Israel.
Sa bawat oras, natatagpuan ng mga Israelita ang kanilang sarili na nawalay sa Diyos - palagi dahil sa sarili nilang gawa. At sa kalaunan ay ililigtas sila ng Diyos, upang ipagkanulo muli ng Kanyang piniling mga tao. Kaya't nakita natin ang dalawang parehong tema sa Lumang Tipan:
Ang mga Israelita, gaano man sila magsikap, ay hindi sila tapat sa Diyos.
Nanatiling tapat ang Diyos at tinupad niya ang mga pangakong binitiwan Niya sa kanila.
Sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, gumawa ang Diyos ng maraming pangako. Sinasabi ng Isaias 7:14, “Kaya't ang Panginoon mismo ang magbibigay sa iyo ng isang tanda; Narito, ang isang birhen ay magdadalan-tao, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Emmanuel.” Ang pangalang Emmanuel ay isinalin bilang “Ang Diyos ay kasama natin.” Ito ay isang kahanga-hangang pangako - ang Pinadakila at Tagapaglikha ng Sanlibutan nangangakong gagawin ang Kanyang sarili na pisikal na darating upang kasama ng mga taong hindi karapat-dapat.
Sa isa sa mga pinaka mahalumanay na kanta ng Pasko, “O Come, O Come Emmanuel”, mayroong isang kayakap na tensyon sa loob ng Israel. Sila ay nasa pagkatapon, hiwalay na muli sa Diyos. Sa isang matino na pananaw, pinipili nilang magalak sa pangako ng Diyos sa kanila. Nang walang ibang makakapitan, sa gitna ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, ginugunita at ipinahahayag nila ang pangako na sasamahan sila ng Diyos. - alam nila, na sa kabila ng kanilang hindi katapatan, ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako.
Walang sinuman ang umasa na ang isang sanggol sa sabsaban ang magiging simula ng perpektong plano ng Diyos na “makasama natin.” At gayon pa man, ganito eksakto ang paraan paano tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako.
Hinihintay mo ba na tuparin ng Diyos ang pangakong Kanyang ginawa? Nakakaramdam ka ba ng kalungkutan o pagkatapon? Magalak! Magalak! Sa pamamagitan ni Cristo, Ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin. Ang kanyang katapatan ay higit pa sa ating kabiguan. At ang Kanyang presensya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan nating, muli, magsaya!
Tanong:
Dahil ang Diyos ay “Emmanuel,” kumusta ang Diyos sa iyo ngayong kapaskuhan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church