Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

ARAW 6 NG 7

ANG DIYOS ANG IYONG KANLUNGAN

Naaalala mo bang tumatakbo kang patungo sa mga nagmamahal sa iyo noong bata ka pa kapag ikaw ay natatakot sa isang bagay o sa isang tao? Maaaring ang taong magliligtas sa iyo ay ang iyong ina o ang iyong ama, isang kamag-anak, guro, o ang iyong kaibigan. Gaano kalaking kaginhawahan ang naramdaman mo habang nababalot ka sa isang ligtas at walang panganib na yakap? 

Sinabi ng Diyos na may kakaharapin tayong mga paghihirap sa ating buhay, ngunit sinabi rin Niya na Siya ang ating magiging kanlungan at ang ating kalakasan. Siya ang ating kalasag, handang saklolo kung may kaguluhan. Nakalahad ang Kanyang mga kamay at handa kang kalingain. Ibigay sa Kanya ang iyong mga alalahanin at mga takot. Walang sitwasyong kakaharapin mo nang hindi Niya kontrolado.

Kung ganoon,  hindi mo kailangang matakot. Ang iyong Ama sa Langit, na hindi masukat ang pagmamahal sa iyo, ay kasama mo. Naaalala mo ba kung paanong pinatahimik ni Jesus ang bagyo noong ang mga alagad Niya ay nasa bangka, at natatakot? Ang Diyos ang kanilang kanlungan. Naaalala mo ba noong nakipaglaban ang mga Israelita sa mga hukbong mas makapangyarihan sa kanila, at sila ay nanalo, habang sila ay nagmamartsa patungo sa Lupang Pangako? Ang Diyos ang kanilang kanlungan. Ang Diyos din ang iyong kanlungan!

 

 

 

 

Tungkol sa Gabay na ito

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.

More

Nais naming pasalamatan ang The Wiedmann Bible sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://thewiedmannbible.com