Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

ARAW 1 NG 7

ANG TAKOT AY ANG BAGONG NORMAL

Ang coronavirus, COVID-19, pandemya, social distancing, pagbubukod sa sarili, pagsusuri, pagbagsak ng negosyo, kawalan ng trabaho at pagkakakitaan, kamatayan...lahat ng ito ay mga salitang naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan. Naging napaka-alerto ng buong mundo ngayon dahil sa coronavirus, at maraming tao ang nahihintakutan.

Ang mga tao ay nag-iimbak ng mga maaaring kailanganin sa pang-araw-araw na buhay, nag-iimbak ng sobrang daming toilet paper, at kung saan-saan naghahanap ng hand sanitizer. Sumisikat ang mga larawan ng mga walang lamang istante sa mga tindahan. Ang mga negosyo ay nagsasarado. Ang mga balita tungkol sa nakamamatay na virus ay tumatakbo ng 24/7. Sapat na iyan upang maging balisa at takot ang sinuman.

Kaya't saan ka maaaring bumaling para sa katahimikan at pag-asa habang hinaharap mo ang bagong normal ngayon? Bumaling sa Banal na Kasulatan!  Sinasabi sa atin ng Diyos na huwag tayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Dalhin ang iyong mga alalahanin sa Kanya sa panalangin, at ang Kanyang kapayapaan, na higit pa sa lahat ng kaunawaan, ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip kay Cristo Jesus. Batid ni Jesus ang iyong pinagdaraanan, at kasama mo Siya lagi. Itong "bagong normal" na ito ay matatapos. Ang hindi matatapos ay ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang pag-iingat sa iyo.

Talababa: Lahat ng larawan sa gabay na ito ay kinuha sa Wiedmann Bible. Alam mo ba na ang pintor, si Willy Wiedmann, ay iginuhit ang Diyos bilang isang tatsulok na bumababa mula sa pahina, at hindi niya gustong bigyan ng mukha o kasarian ang Diyos? 

Tungkol sa Gabay na ito

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.

More

Nais naming pasalamatan ang The Wiedmann Bible sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://thewiedmannbible.com