TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

MULA EXODO HANGGANG CANAAN, ANG DIYOS AY NAROON
Ang katibayan na ang Diyos ay laging nariyan sa bawat pangyayari at hindi Niya hinahayaan ang mga anak Niyang dumaan sa mga pagsubok nang nag-iisa ay unang makikita sa Lumang Tipan. Noong ang mga Israelita ay tumatakas bilang mga alipin mula sa Egipto papunta sa ilang sa loob ng apatnapung taon, ang Diyos ay kasama nila. Hindi lamang Siya kasama,nakipaglaban din Siya para sa kanila, ginabayan sila, at tinustusan sila.
Ang ating tapat na Diyos ay hindi nagbabago mula noon, ngayon, at bukas. Hindi Siya nagbabago. Gagabayan ka Niya upang mailabas ka sa iyong nakakatakot na sitwasyon, katulad ng ginawa Niya para sa mga Israelita. Habang binabasa mo ang mga bersikulong ito, magkaroon ka ng lakas ng loob mula sa mga pangako ng Diyos, at mula sa mga ginawa ng Diyos noong nakaraan. Makasisiguro ka ng Kanyang presensya ngayon at kailanpaman.
Maaaring palitan ng Diyos ang iyong mga takot ng kapayapaan kapag buung-buo mong inilagay ang iyong tiwala sa Kanya at sa Kanya lamang. Umiyak sa Kanya sa panalangin, at sabihin, "Mahal na Panginoon, natatakot ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa nakakatakot na krisis na ito. Kami ba ng aking mga mahal sa buhay ay magiging ligtas? Mawawala ba ang lahat sa akin? Lumalapit ako sa Iyong batid kung gaano ko kinakailangan ang Iyong tulong. Winawasak ako ng takot ko. Ang Iyong salita ay nagbibigay ng katiyakan sa akin ng Iyong presensya. Kailangan ko ang Iyong kapangyarihan upang palitan ang mga takot ko ng pagtitiwala sa Iyo, aking Ama sa Langit. Dahil kasama Kita, alam kong hindi ko kailangang matakot. Salamat, Panginoon, sa pagpapalaya mo sa akin sa aking mga takot. Amen."
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.
More