Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

ARAW 4 NG 7

ANG TAKOT AY SINUNGALING

Ang matakot tungkol sa isang bagay na maaaring makasama sa atin ay likas sa tao, ngunit ang takot ay hindi galing sa Diyos. Ang takot ay isa sa popular na sandatang ginagamit ng kaaway laban sa atin. Bilang mga Cristiano, batid natin na hindi tayo binibigyan ng Diyos ng espiritu ng takot. Binibigyan Niya tayo ng espiritu ng kapangyarihan at ng pagpipigil ng sarili. Malalampasan natin ang takot sa kawalang katiyakan, dahil alam nating ang Diyos ang may kapamahalaan at sasamahan Niya tayo sa napakahirap na panahong ito. 

Si Zach Williams ay isang musikerong Cristiano at may magandang awitin siyang may titulong "Fear is a Liar."

Ganito ang sinasabi sa koro ng awit: 

“Fear, he is a liar

He will take your breath

Stop you in your steps

Fear he is a liar

He will rob your rest

Steal your happiness

Cast your fear in the fire

’Cause fear he is a liar.”

Tungkol sa Gabay na ito

FEAR IN THE TIME OF CORONAVIRUS

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.

More

Nais naming pasalamatan ang The Wiedmann Bible sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://thewiedmannbible.com