TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

HUWAG YANIGIN ANG BANGKA
Para bang nasa gitna ka ng hindi mapigilan, at mapanganib na bagyo ngayon, at natatakot ka sa paglaganap ng coronavirus? Ang takot ay maaaring maging tulad ng isang malaking alon ng tubig na handa kang lamunin, at niyayanig ang bangka mo. Ang takot, tulad ng higanteng alon, ay maaaring maging makapangyarihan at walang humpay. Alam mo bang ang pinakapanatag na lugar para sa iyo kapag nasa gitna ka ng mga alon ay sa ilalim ng alon? Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang alon sa ibabaw, ang tubig ay magiging napakapanatag sa ilalim noon.
Si Jesus ay parang ang panatag na tubig sa ilalim ng alon. Siya ang kapanatagan na maaaring mag-alis ng iyong mga takot, Sa katunayan, iyan ang ipinakita ni Jesus noong nasa bangka Siya kasama ang mga alagad. Natakot ang mga alagad Niya noong umuugong ang dagat, samantalang natutulog nang mapayapa si Jesus. Nakiusap sila kay Jesus na gumawa ng paraan, habang nakatuon sila sa bagyo.
Bago pinatahimik ni Jesus ang bagyo, tinanong Niya ang mga alagad, na nagkukulang sa pananampalataya, "Bakit kayo natatakot?" Ang Diyos ay may kapangyarihan sa bawat bagyo ng buhay mo, kaya ituon mo ang iyong mga mata sa Kanya. Kapag ang pakiramdam mo ay parang natatabunan ka na, manampalataya kang may kapangyarihan Siyang iligtas ka mula sa bagyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
