TAKOT SA PANAHON NG CORONAVIRUSHalimbawa

ANG DIYOS ANG NAGPAPASYA
Sinong gusto mong nagpapasya ngayong may pandemya ng COVID-19 o sa anumang nakakatakot na sitwasyon? Dapat bang ang media, ang mga politiko, ang mga ahensya ng gobyerno, ang sektor ng pagkalusugan, ang mga pamayanan, o ang pamilya? Siyempre, ang lahat ng sektor ng lipunan ay kasama sa paghahanda at sa pagtugon, at dapat na tayo ay gumagawang sama-sama. Ngunit, hindi natin maaaring kalimutan ang papel na ginagampanan ng makapangyarihang Diyos sa lahat ng ito.
Kontrolado ng Diyos ang lahat ng bagay. Noon pa man at magpakailanman. Dumaan na Siya sa landas ng krisis maraming beses na noon pa, at batid Niya ang daan at ang kahihinatnan. Walang panganib, kaguluhan, sitwasyon, o pangyayari na hindi pinamahalaan ng Diyos noong una pa man. Ang Diyos ay laging handa para sa iyong kaligtasan, at kasama mo Siya saan ka man pumunta.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa kasalukuyan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang panahong puno ng walang kaparis na pagkabalisa at pag-aalala dahilan sa coronavirus. Ang matinding takot sa pandemya ay tila lumalaganap tulad ng paglaganap ng sakit mismo. Kung sa kasalukuyan ay natatakot ka at nababalisa, ang pitong-araw na gabay sa pananalanging ito ay para sa iyo. Palalakasin nito ang loob mo habang natatagpuan mo ang kapayapaan sa salita ng Diyos, ang kalakasan sa Kanyang kapangyarihan, at ang pag-asa sa Kanyang pag-ibig sa iyo na hindi nagmamaliw.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
