Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 96 NG 280

PAMUMUHAY BATAY SA PANANAMPALATAYA, HINDI SA NAKIKITA

Si Pablo ay napintasan ng mga taga-Corinto dahil sa kanyang anyo, pananamit, at salat ng tagumpay bilang isang negosyante. Ngunit sa halip na pagsumikapang matamo ang pagpapatunay ng mundo, siya ay namuhay nang may pananampalataya sa hindi nakikita habang hinahanap ang kalooban ng Diyos para sa kanyang buhay. Lubos na mas interesado si Pablo sa mga bagay na ninais ng Diyos para sa kanya kaysa sa mga bagay na inaasahan ng tao mula sa kanya.

Ito ay napakahalagang aralin sa pagiging magulang! Maraming tao ang magsasabi kung ano ang isang batang "matagumpay" batay sa nakikita at nasusukat. Kailangan nating alalahanin na hindi sinusukat ng Diyos ang kadakilaan ayon sa mga bagay na iyon! Ang pinahahalagahan Niya ay ang buhay na ipinamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa hindi nakikita — at sa kapahayagang inilahad sa Kanyang Anak. Gawin natin itong layunin sa ating pagiging magulang.

Palakihin ang inyong mga anak sa isang tahanang nagpapahalaga sa pananampalataya sa mga bagay na walang hanggan, kaysa sa pananampalataya sa nakikita ng mundo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com