Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG TUNAY NA PAMUMUNO
Ang taludtod na ito ay tumukoy sa tungkulin ng mga pinuno na mag-aral at magtiwala sa batas ng Diyos habang sila'y namumuno. Ito ang nagpapanatili sa kanila na maging mapagkumbaba, nakasentro sa Diyos, at mapatnubayan ang kanilang mga desisyon upang hindi sila malihis sa Kanyang landas. Natural, hindi ito naging madali at ang mga pinuno ng mga Israelita ay maraming beses na nabigo. Kapag sila'y nalihis, matapat na inihain ng Diyos ang mga konsikuwensiya dulot ng kanilang mga pagkukulang.Ang payo ng Diyos para sa mga pinuno ay hindi pa rin nagbabago! Bilang pinuno ng inyong pamilya, kilalanin ang iyong pangangailangan na matuto mula sa Salita ng Diyos. Kapag isinasakripisyo natin ang ating personal na pag-aaral at pagninilay-nilay nito, madaling nawawala ang ating paningin sa mga maka-Diyos na bagay, para sa ating sarili at maging para sa ating pamilya. Malalayo pa ba ang konsikuwensiya nito?
Bahagi ng pagiging mabuting pinuno ay ang pagbaling sa iyong Pinuno para sa Kanyang patnubay araw-araw.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com