Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MAY PAGPAPAYONG MAAASAHAN
Sa panahon ng pagpupunyagi, madalas tayong humahanap ng tagapayo — isang kaibigang pinagkakatiwalaan o isang katapatang-loob na makakausap tungkol sa ating mga suliranin o maaari nating hingan ng patnubay at direksyon. Tinanaw ng mga alagad si Jesus na kanilang tagapayo, at sila'y nabahala nang sinabi Niyang iiwan na Niya sila. Kaya't noon ipinangako ni Jesus ang ganap na Tagapayo — ang Espiritu Santo.
Tulad ng mga alagad, tayo'y pinagkalooban din ng Tagapayo na magturo at magpaalala sa atin ng mga itinuro ni Jesus. (Juan 14:26). Ang Espiritu Santo ay laging nariyan 24/7 at walang bayad sapagkat ibinigay na ni Jesus ang Kanyang "kabayaran". Binibigyan Niya tayo ng kakayahang maunawaan ang mga bagay mula sa perspektibo ni Cristo at isinisiwalat Niya ang mga bulaang pangako ng mundo. Iniaalok Niya sa atin "ang pag-iisip ni Cristo" (1Cor. 2:10-16).
Sinasamantala mo bang pakinabangan ang tulong na ibinibigay ng pinakamagaling na tagapayo sa langit man o sa lupa? Siya ay nariyan para sa iyo kapag nagtiwala ka kay Cristo para sa iyong kaligtasan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com