Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGREREKLAMO AT PAKIKIPAGTALO
Trapiko, gas, presyo, mahahabang pila, nag-iiyakang mga bata, mahigpit na amo. Ang bawat araw ay nagbibigay ng maraming pagkakataon upang maghinanakit, magreklamo at makipagtalo. Kumakagat ka ba sa pain?
Madalas ay hindi tayo nag-iisip at hindi mahusay ang pagtugon natin sa mga sitwasyong ganito, ngunit maaari nating isipin na ito ay pagkakataon upang maipakita ang ating pagtitiwala sa isang makapangyarihan at mapagmahal na Diyos. Kapag tinitingnan nating ang mga pagsubok mula sa walang hanggang paningin ng Diyos, sila'y nagiging pagkakataon upang maipakita natin sa ating mga anak na ang kasiyahan at kapayapaan ay hindi nakasalalay sa tugon ng mundo sa atin, kundi sa ating tugon sa mundo Ipakita nating handa tayong tanggapin ang mga sagabal nang walang pagrereklamo o pakikipagtalo at gawin ang pinakamabuti sa bawat araw anuman ang mangyari. Ang ganitong saloobin ay isang "ilaw" para sa ating mga anak.
Tigilan na natin ang pagrereklamo at pakikipagtalo, at ipakita natin sa ating mga anak na nagtitiwala tayo sa plano ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com