Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG DAKILANG GANTIMPALA
Bilang mga Cristiano, ang ating layunin sa buhay ay ang magbago nang maging mas katulad ni Cristo. Upang tulungan tayo, ibinibigay ng Diyos ang Espiritu Santo, na pumapatnubay sa atin kapag isinuko ang kalooban natin at magpasakop sa Kanyang paggabay. Parang napakasimple naman nito, kaya't ano kaya ang pumipigil sa atin?
Hinahanap din ng mundo ang pagbabago natin, ngunit ito'y sa isang naiibang bagay. Hinihikayat tayo nito na maging makasarili, sa halip na nakatuon kay Cristo. Ninanais nitong lumago tayo at angkinin ang kasarinlan mula sa Diyos at kanya-kanyang bumuo ng natatanging pagkakilanlan para sa sarili sa pamamagitan ng walang humpay na paghahabol sa pera, kapangyarihan, kagandahan, at kasikatan. Ito ay nakakapagod!
Ang daan patungo "sa isang antas ng kaluwalhatian" sa patuloy na lumalagong kaluwalhatian ang maghahatid sa kapayapaan kung ang Espiritu ang ating gabay. Ang daan patungo sa kaluwalhatiang materyal ay maghahatid patungo sa kahungkagan sa katapusan. Tulungan ninyo ang inyong mga anak na maunawaan ang panuntunang ito nang maibsan ang kanilang kapaguran at kabiguan sa paghahabol sa maling mga layunin.
"...sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo" (Mat. 11:30).

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com