Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

HINDI 'PAANO', KUNDI 'ANO'
Ang ating tugon sa masasakit na pangyayari sa ating mga buhay ay nagpapakita ng antas ng ating pagtitiwala sa Diyos. Ito ay totoo sa ating mga buhay at sa mga buhay ng ating mga anak. Makailang beses nang sinabi ng Diyos na pinahihintulutan Niyang makaranas tayo ng mga pagsubok upang pagbutihin tayo at mas maging kawangis natin ang Kanyang Anak. Ang mga pagsubok ay hindi dapat iniiwasan o tinatalikuran bagkus ay dapat na pinagtitiisan para sa matutunang aral.
Ang pagtatanong sa Diyos ng tamang tanong sa kabila ng isang matinding paglilitis ay pagpapahayag ng iyong pananampalataya sa Kanya. Ang tanong ay hindi rapat, "Paano ba ako makakalusot dito?", at sa halip ay, "Ano ba ang matututunan ko mula dito?" Ang pagpapalit sa tanong ng "ano" sa halip na "paano" ay nagpapakita ng iyong pagtitiwala sa Kanya na turuan ka at ng iyong kagustuhan na matuto.
Turuan ang iyong mga anak na palitan ang kaugaliang nagtatanong ng "paano ko ba ito matatakasan?" ng "ano ang maaari kong matutunan?" kapag may hinaharap silang pagsubok.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com