Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 99 NG 280

PAGPAPLANO PARA SA PAGRERETIRO

May mga industriya na itinayo upang tulungan tayong magplano para sa ating pagreretiro. Tayo ay pinapangakuan na ang ating pagtanda ay magiging madali at maginhawa kung magsusubi tayo ng sapat na pera ngayon. Kung tayo'y matalino, ang buhay na maaasahan ay mas magiging mabuti pa kaysa sa buhay natin ngayon, puno ng paglilibang at paglalakbay at maalwang pamumuhay. Ang kailangan lamang nating gawin ay ipako ang ating isip sa kinabukasan at maging masinop sa ating pera ngayon.

Ano naman ang sinasabi ng Diyos? Totoo nga na dapat tayong maging masinop sapagkat, unang-una ito'y pera Niya naman talaga. Ngunit, ang pananaw ng Diyos sa pagreretiro ay pang-walang hanggan — lubos na mas mahaba kaysa sa itinatalaga ng mga industriyang ukol sa pagreretiro. Pinatototohanan Niya na ang ating mana ay tiyak at kailanman ito ay hindi masisira, walang kapintasan, at di kukupas. Ang pagtitiwala kay Cristo ay isang kapasyahan sa planong pagreretiro na pang-walang hanggan. Nagiging ibang-iba ang pag-iisip mo sa pamumuhunan para sa pagreretiro dahil dito!

Ipakita ninyo sa inyong mga anak kung saan patungo ang inyong plano sa pagreretiro, at mamuhunan kayo para sa kinabukasa na iyon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com