Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 94 NG 280

LIKHA NG DIYOS

Ang salitang Griego para sa nilikha o ginawa ay poiema, kung saan nakuha ang salitang “poem” sa Ingles o “tula” sa Tagalog. Ginamit din ito sa Roma 1:20 kung saan ipinaliwanag ni Pablo na makikita sa kalikasan, poiema ng Diyos, ang Kanyang kapangyarihang walang hanggan at pagka-Diyos . Sinasabi sa atin ni Pablo na ang lahat ng nilikha ay naglalaman ng mga kahanga-hangang obra na nilikha ng Diyos upang ipakita at isalamin ang Kanyang kaluwalhatian, at ang ating mga anak ay bahagi ng tanghalang sining na ito!

Kung ang Diyos ay kusang nagbigay ng ganoong uri ng pagmamahal at pag-iingat sa paglikha ng ating mga anak at paghahanda ng daan na kanilang tatahakin tungo sa “paggawa ng mabuti”, hindi ba’t makatuwiran na magtiyaga tayong hanapin ang daan na inilaan ng Diyos para sa ating mga anak at isuko sa Kanya ang anumang paraan o pangarap natin na hindi isinangguni sa Kanya?

Ang Diyos ang pinakadakilang maestro at inihahanda Niya ang napakadakilang gawain na hindi natin kayang isipin ng lubos. Kabilang tayong lahat. At maaari tayong makilahok sa pamamagitan ng paghahanap ng ating bahagi sa Kanyang dakilang disenyo. Magpasya tayong itigil na ang pagpupumilit na gumawa ng sariling magagaspang na pagpinta at makilahok sa iba pang nilikha ng Diyos sa Kanyang gawain.

Isuko na natin ang kani-kaniyang plano at makilahok sa pinakadakilang obra na nilikha kailanman!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com