Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 93 NG 280

PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG NG DIYOS

Mahal tayo ng Diyos; alam natin ito. Ngunit, marahil ay hindi natin napapansin na ang pagmamahal ng Diyos ay madalas ring naihahayag sa pamamagitan ng disiplina gaya nang sa pagpapala. Pareho itong pagpapakita ng pagmamahal. Nais man natin itong iwasan, mahalaga ang disiplina upang patnubayan tayo pabalik sa Kanya. Dinisenyo ito kasama ng ating pagsunod sa hinaharap at ang masaganang buhay sa Kanyang isipan. Purihin natin ang Diyos sa parehong dahilan.

Kung nagdadalawang isip ka sa pagdisiplina sa iyong mga anak, alalahanin mo ang binigay na halimbawa ng Diyos. "Pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan,
tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang" (Mga Kawikaan 3:12, RTPV05). Hindi ikatutuwa ng mga anak mo ang disiplina, pero malalaman nila ang malasakit mo kung ibibigay mo ang kahihinatnan ng kanilang kasalanan nang may espiritu ng empatiya.

Ipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong mga anak kung saan alam nila na ikaw ay handang dumisiplina kung kinakailangan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com