Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PRESYO AT HALAGA
Nahuhuli mo ba ang iyong sarili na napapanganga sa “buhay ng mga mayayaman at tanyag”? Binibigyan tayo ng media ng upuan sa harapan ng mga kalabisan ng mga ubod ng yaman. Nakaparada sa ating mga harapan ang kanilang mga bahay, kotse, damit at libangan bilang halimbawa ng “tagumpay”. Hindi ba’t lagi namang totoo na “pinupuri ka ng mga tao kapag ikaw ay umuunlad”?
Sa paningin ng mundo patungkol sa pagpupursigi upang makamit ang "magandang buhay”, hindi ba’t kabaligtaran na kahit na anong presyo, gaano man ito kaluho o kamahal, ay wala itong halaga sa kabilang buhay? Tulungan mo ang iyong mga anak na labanan ang materyalismo sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga bagay na may kabuluhan sa buhay na walang hanggan. Ang pinaka-epektibong paraan ng pagkomunika ng mensaheng ito, ay hindi sa pamamagitan ng iyong salita kundi sa pagigi mong halimbawa. Maglaan ng ilang sandali at kausapin ang Diyos na ipakita sa iyo ang anumang kahinaan na mayroon ka sa bahaging ito. Ipagpatuloy ang paggawa ng isang pagbabago, gaano man ito kaliit, na mas epektibong magpapakita kung ano ang iyong tunay na pinahahalagahan.
Turuan mo ang iyong mga anak na huwag malito sa presyo at halaga.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com