Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ISANG MANA
Bilang mga subok nang mga Cristiano, malamang ay marami na kayong napagdaanang mga pagsubok at umasa kayo sa presensiya at kagandahang-loob ng Diyos upang malampasan ang mga mahihirap na panahong iyon. Malamang kinikilabutan pa rin kayo kapag nagbabahagi kayo ng mga kuwento ng pagtitiwala patungkol sa probisyon ng Diyos.
Ang siping ito ay nag-uudyok at nag-uutos na ikuwento natin ang mga karanasang ito sa ating mga anak. Bilang pamilya, haharap kayo sa mga kalaban sa labas ng tahanan — mga taong galit, kahambugan, kasakiman, at ang kulturang mapagpalayaw sa kasalanan. Paalalahanan ninyo ang inyong mga anak ng kapangyarihan ng Diyos na dadaig sa lahat ng mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ninyo ng mga halimbawa ng Kanyang katapatan. Kapag nalilimutan natin kung saan nakasalig ang ating pag-asa, mas bukas tayo sa mga pananagupa mula sa labas.
Alalahanin ang Diyos at ang Kanyang probisyon para sa iyo, ikuwento mo ito sa mga bata, upang mapagkunan din nila ng lakas ang iyong pinagsalukang malalim na balon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Prayer

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image