Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGTITIIS
Kung ang pagiging magulang ay ang pagtulad sa Perpektong Magulang, marapat na lumakas ang ating loob dahil sa kaalaman na ang Ama ay matiyagang nagtiis noong mga panahon na ang Kanyang Anak ay dumaan sa ni hindi mo maisip na paghihirap (ang pagsusumpa, pagtatakwil, matinding pambubugbog at kamatayan) alang-alang sa atin. May mga panahon na mapipilitan kang magtiis sa puyatan, pagkabigo, galit, hiya at paghamak ng iba sa iyong paglalakbay bilang magulang.
Sa gitna ng paghihirap ituon mo ang iyong paningin kay Jesus. Kailangan mong malaman na habang pinipilit nating iwasan ang paghihirap, maaari itong maging daan tungo sa karunungan at mas matinding pag-depende sa Diyos. Ang pag-ibig na ipinadadama mo sa iyong mga anak sa mga panahon ng kahirapan ay magdadala sa kanila sa mas dakilang pagmamahal — ang pagmamahal ng ating Ama na nasa langit at ang sakripisyo na Kanyang ginawa sa pamamagitan ng buhay at kamatayan ng Kanyang Anak.
Kapag natitiis mo ang mga paghihirap ng pagiging magulang at ang mga sakripisyo nang may tiyaga, sinasalamin mo ang pagmamahal ng Diyos sa makapangyarihan at nakakakumbinsing paraan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com